Connect with GMA News:
Google+1 us
GMA News Online Videos » GMA 7 Shows


Katatagan ng pag-asa ni Mico matapos masabuyan ng asido

Dalawang buwan na nang masabuyan ng asido si Mico ng di pa na nakikilalang salarin. Kahit na unti-unti nang naghihilom ang lapnos niyang balat, nanganganib pa ring mawalan siya ng paningin dahil sa insidente. Gayunpaman, nananatiling matatag ang pag-asa ni Mico na maipagpatuloy ang pagtaguyod sa pamilyang umaasa sa kanya. (Date aired: May 19, 2012)

Survivor ng MV Dona Paz nakauwi sa pamilya matapos ang 25 na taon

Nilihim ni Valeriana sa kanyang ama sa Samar ang malimit niyang pagbiyahe dahil baka hindi na siya payagan na magtrabaho. Taong 1987, sakay ng MV Doña Paz, patungo sana ng Maynila, naganap ang isa sa pinakamatinding trahedya sa laot, lumubog ang barko. Nakaligtas man siya, bumilang na ng maraming taon at hindi pa rin siya nakabalik sa kanyang pamilya sa Samar. (Airing Date: May 12, 2012)

Aspiring Fashion Blog-ista meets Celebrity Stylista Liz Uy

Sa pamamagitan ng pagba-blog naihahayag ni Aaron ang kanyang hilig sa sa pananamit. Di man kamahalan, sa pamamagitan ng pagmi-mix and match ng kanyang mga damit ay nakakabuo si Aaron ng iba't-ibang outfit. Inspirasyon ni Aaron ang sikat na Celebrity Stylist na si Liz Uy, at sa tulong ng respetadong photographer at stylist na sina Eric Poliquit at Enzo Mondejar, matutupad na ni Aaron ang kanyang pangarap na makilala at makasama sa isang shoot ang kanyang idolo. (Date aired: May 5, 2012)

Ang muling pagngiti ni Bentot

Minsan nang nakapagbigay ng maraming ngiti si Bentot Jr. nang sumikat siya bilang isang komedyante noon. Aminado si Bentot na naging pabaya siya noong namamayagpag pa ang kanyang karera, at ngayon sa tulong ng Wish Ko Lang, handa na siyang muling bumangon at harapin ang hamon ng buhay kasama ng kanyang pamilya. (Date aired: March 28, 2012)

'Biritera' fan, makikilala ang idol na si Roseanne Magan

Isang fan ng Biritera star na si Roseanne Magan ang mabibigyan ng pagkakataon na makilala ang kanyang singing idol! (Date aired: April 21, 2012)

Surfing sa Ayoke Island, Surigao del Sur

Pinuntahan ng model at surfing instructor na si Paolo Soler ang isla ng Ayoke sa Surigao del Sur, kung saan nakasama niyang mag-surfing ang ilang batang residente roon. (Date aired: April 14, 2012)

Huling hiling ng dalagang may cancer, matupad kaya?

Malala na ang lagay ng dalagang si April, na nakikipaglaban sa sakit na ovarian cancer. Hiling niyang makita ang ama bago siya bawian ng hininga. Umabot kaya ang ama ni April at mapagbigyan ang hiling ng dalaga bago mahuli ang lahat? (Date aired: March 24, 2012)

Kwento ng pagsisikap ni Nanay Nadine

Nang mabiyuda si Nadine, nagtungo ito sa Maynila para makipagsapalaran, at nagsikap siya para mabigyan ng magandang buhay ang dalawang anak. Ngayon, sa tulong ng Wish Ko Lang, maisasakatuparan na ni Nadine ang pangarap niyang maginhawang buhay para sa pamilya. (Date aired: March 17, 2012)

Ang mukha ng pag-asa ni Budoy

Bata pa si Budoy nang maaksidente siya't masunog ang kanyang balat. Magiging normal pa kaya ang buhay niya sa kabila ng kanyang kalagayan? At isang inang may karamdaman, big fan ni Aljur Abrenica. Ang tanging hiling niya, makilala ang Kapuso hunk nang personal. (Date aired: March 10, 2012)

Ang pag-uwi ni Tomtom

Hirap mang maglakad si Tomtom, na sinusuportahan ng lumang basketball ang kalahati ng katawan, hindi ito naging hadlang para makauwi siya't makapiling muli ang inang matagal na nawalay sa kanya. (Date aired: March 3, 2012)