Most memorable songs in 'The Big Ten' for Papa Obet and Mama Belle | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa dami ng kanta na napabilang na sa official countdown ng DWLS 97.1, may all-time favorite ba ang mga 'The Big Ten' host sa mga ito?

Most memorable songs in 'The Big Ten' for Papa Obet and Mama Belle

By AEDRIANNE ACAR



Tuwing Linggo ng tanghali napapakinggan natin ang mga Barangay DJs na sina Mama Belle at Papa Obet na nililista ang sampung pinakapaboritong kanta ng mga Kapuso listeners.

OPM cutie Juan Karlos Labajo spotted in Barangay LS 

Sa dami ng kanta na napabilang na sa official countdown ng DWLS 97.1, may all-time favorite ba ang mga The Big Ten host sa mga ito?

Legend is legend

Para sa hot babe ng Barangay station na si DJ Belle pinaka-most memorable song niya sa The Big Ten ang 2014 hit ng American singer na si John Legend.

Ani ni Mama Belle, “Hindi ko makakalimutan dahil tumatak siya eh. Maski kanino mo siguro sabihin ngayon, tatanungin mo ano ‘yung paborito nilang song from last year siguro I think ‘yun.”

Dagdag pa ng Sikat Sa Barangay host nakuha ni John ang kiliti ng mga Pinoy na mahilig sa mga love songs.

“Tapos especially love song siya, alam mo naman ang mga Pinoy 'di ba? Napaka-emotional, so specially kapag pinag-usapan eh love, eh talagang interesadong-interesado. “yung kanta pa kayang yan, All of Me napaka-romantic niya alam mo ‘yun.”

READ;John Legend conquers 2014!

Papa Obet Loves 1D

Malakas naman ang naging impression ng kanta ng 1D na Night Changes para sa DJ/singer na si Papa Obet.

Ayon sa kanya napaka-mature daw na kanta na ito at ibang-iba sa pop music na kinakanta noon ng UK boy group.

Saad ni Papa Obet, “Pag nagre-record ako at nababasa ko ‘yung script eh excited ako kapag nababasa ko ‘yung Night Changes kasi nung narinig ko siya noong una hindi mo aakalain na One Direction ang kumanta nung song na ‘yun. Ang ganda!”

“Hindi lang pala sila doon mismo nagfo-focus sa sobrang pop music, puwede rin pala sila sa kahit anong genre ng music at doon nila ‘yung napatunayan sa Night Changes na tumunog 80s para sa akin.”

Night Changes ranks at #4 in 'The Big Ten' countdown '

Keep on tuning in The Big Ten mga Kabarangay hosted by Mama Belle and Papa Obet.