Ano-ano ang plano ni Sef Cadayona kung mananalo siya ng 1M pesos? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ayon sa StarStruck alum, hindi biro ang manalo ng ganitong kalaki na halaga. Ano kaya ang plano niya?

Ano-ano ang plano ni Sef Cadayona kung mananalo siya ng 1M pesos?

By AEDRIANNE ACAR

 

A photo posted by Sef Cadayona (@sefcadayona) on

 

Paano mo gagastusin ang 1M pesos?

Ito ang tanong na ibinato namin sa Bubble Gang star at multi-awarded comedian na si Sef Cadayona nang maka-chikahan siya ng GMANetwork.com sa Studio 7 ng Kapuso network.

Ayon sa StarStruck alum, hindi biro ang manalo ng ganitong kalaki na halaga. Dagdag ni Sef, nais daw niyang mapalago ang kanyang 1M pesos sa pag-i-invest at plano rin niya magbahagi ng kaniyang blessing sa kaniyang pamilya.

Paliwanag ni Sef, “Ewan ko, hindi ko alam saan ko gagamitin ‘yun. Siguro ipunin ko. Ipapamigay ko sa relatives, tapos mag-do-donate mga ganun. Pero malamang iipunin ko ‘yun, kasi kapag nilagay ko ‘yun sa bangko, tapos nilagay ko sa stocks ‘yun puwede pa ako mas maging milyonaryo.”

At kung gusto ninyo magkaroon ng tumataginting na 1M pesos, sali na kayo mga Kabarangay sa Pera Sorpresa 5 ng Radio GMA (RGMA). Malay n'yo kayo na ang maging ikatlong milyonaryo ng radio promo ng DZBB Super Radyo at Barangay LS 97.1.

Ganun na lamang ang tuwa ni Sef nang mapili siya ng RGMA ngayong taon na maging celebrity endorser ng Pera Sorpresa. Sa tulong ng promo na ito, maaaring mabago ang buhay ng hindi lamang isa, kundi maraming mga Kabarangay na papalaring manalo.

Ani Sef, “Maraming nangyayari na tipong sumali lang, parang out of luck biglang sila ‘yung nanalo. Katulad nga ng nangyayari din sa ibang game show natin dito sa GMA, makikita mo kung gaano kalaking bagay at importante sa kanila ‘yung pangyayaring ganun sa buhay nila. And siyempre napakasaya na makatulong ka sa tao na nangangailangan at talaga nga naman matutuwa 'pag nangyari 'yun.”

Kaya ano pa ang hinihintay ninyo, makinig palagi sa DZBB Super Radyo at Barangay LS 97.1 para malaman kung paano kayo magpapadala ng entries sa Pera Sorpresa. The more entries you send, the more chances of winning Kabarangay!

MORE ON PERA SORPRESA:

Kabarangay, hangad mo bang manalo ng 1M pesos?

Ano ang gagawin ni Ate Liza kung manalo siya ng 1M pesos?