Exclusive: Ano ang nangyari ng magkamali si Papa Dudut sa eksena nila ni Heart Evangelista sa 'Juan Happy Love Story?' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Wow! Artista na si Papa Dudut!

Exclusive: Ano ang nangyari ng magkamali si Papa Dudut sa eksena nila ni Heart Evangelista sa 'Juan Happy Love Story?'

By AEDRIANNE ACAR

Mga Kapuso dapat ninyong abangan ang mga susunod na episode ng Juan Happy Love Story sa GMA Telebabad, dahil magkakaroon ng special appearance dito ang sikat na disk jock at book author ng Barangay LS 97.1 na si Papa Dudut.

EXCLUSIVE: Papa Dudut, ang boses sa 'Juan Happy Love Story'

Sa exclusive interview ng GMA Network.com sa magaling na radio DJ, nagkuwento ito ng kanyang experience ng sumabak siya sa taping ng Juan Happy Love Story at naka-eksena niya ang lead actress nito na si Ms. Heart Evangelista.

Saad ni Papa Dudut, hindi raw niya maiwasang kabahan ng makaharap na niya ang Kapuso actress at agad daw itong umamin kay Heart na ramdam niya ang pressure na umarte sa telebisyon

“[Talking to Heart] Alam mo Ms. Heart [Evangelista] kinakabahan ako kasi this is first time for me. Though naka-acting na ako sa Sarap Diva parang may comedy portion dun, pero wala akong linya masyado run.”

“Pero eto ‘yung GMA Telebabad, iba to ‘eh. A-acting ka talaga dito, wala naman akong training sa acting, so ang nakakatuwa kay Ms. Heart, hindi mo makikita kay Ms. Heart Evangelista ‘yung pagiging sikat, ma-ere. Napaka-down to earth,”

Dagdag pa ni Papa Dudut, inalis daw ni Heart Evangelista ang pressure sa pagsabak niya sa taping, kahit ng minsan daw ay nagkamali siya sa eksena.

“Nahihiya nga ako sa kanya magkamali pero nung nagkamali ako isang beses, alam mo sabi niya sa akin. Okay lang 'yan for first time, okay lang 'yan Papa Dudut, huwag kang mag-worry. So talagang nakumbinsi ako, mas lumakas ang loob ko,”

Malaki rin ang pasasalamat ni Papa Dudut sa GMA-7 dahil nagbibigyan siya ng opurtunidad na madevelop ang iba pa niyang mga talents.

“From radio naging author din ako ng book 'di ba? Then from being an autho,r naging narrator ka, tapos nag-acting ka. Nag-advice din ako for Love Hotline, ibang klaseng TV appearance naman ‘yun. So, naibibigay ng GMA Network ‘yung puwede niyang maitulong sa ‘yo para madevelop ka as an artist.”

More on PAPA DUDUT:

IN PHOTOS: Erika Padilla and Silent Sanctuary visit the Tugstugan station 

EXCLUSIVE: Papa Dudut umamin na may agam-agam kung magiging successful ang 'Barangay Love Stories' podcast 

Barangay Love Stories now on podcast