Sikat sa Barangay: Kristoffer Martin talks about 'Hahamakin ang Lahat' co-star Snooky Serna | GMANetwork.com - Radio - Articles

“Sobrang nanay siyang mag-alaga” - Kristoffer on Snooky

Sikat sa Barangay: Kristoffer Martin talks about 'Hahamakin ang Lahat' co-star Snooky Serna

By AEDRIANNE ACAR

Masaya ang Kapuso heartthrob na si Kristoffer Martin na nakaka-trabaho niya ang mga veteran stars tulad nila Eula Valdes at Snooky Serna sa hit afternoon series na Hahamakin Ang Lahat.

Sa panayam ni Mama Belle sa morning radio program nito na Sikat Sa Barangay ngayong January 12, nag-kuwento si Kristoffer kung paano sa set ang dalawang magagaling na aktres.

Aniya, “Si Ms. Snooky sobrang bait, si Ms. Eula kasi naging mommy ko na siya sa Kahit Nasaan Ka Man. Si Ms. Snooky talaga sobrang nanay talaga, sobrang nanay siyang mag-alaga. 'Tsaka hindi siya nakaka-intimidate actually sa una mong kita, kasi siya mismo ‘yung babati sa iyo,”

Ang Kapuso heartthrob din ang kumanta ng theme song na Hahamakin Ang Lahat  na ‘Nang Dahil Sa’yo.’ Dito naka-duet ni Kristoffer Martin ang Kapuso singer na si Hannah Precillas na napahanga ang Kapuso actor sa talent ng Bet ng Bayan grand winner.

“Tsaka ang ganda talaga ng boses niya. Kapag naririnig ko nga ang ganda ng boses niya,”

Silipin ang buong interview ni Kristoffer Martin sa Sikat Sa Barangay:

More on BARANGAY LS:

IN PHOTOS: One Up visits 'Sikat sa Barangay'

Talk to Papa: Alin sa goals sa bucket list ni Ivan Dorschner ang natupad nang makasama siya sa 'Meant To Be?'

WATCH: 'Meant To Be' hunk Addy Raj spotted in Sikat Sa Barangay