Ate Liza on Papa Bol: 'Hanapin niya 'yung sarili niyang strategy' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Alam ni Ate Liza na pressured si Papa Bol sa bago nitong role bilang 'Wanted Sweetheart' host, kaya naman binigyan niya ng ilang tips ang bagong Dream Boy ng Barangay LS.

Ate Liza on Papa Bol: "Hanapin niya 'yung sarili niyang strategy"

By AEDRIANNE ACAR

Pormal nang ipinakilala sa mga Kapuso at Kabarangay ang bagong DJ ng flagship weeknight program ng Barangay LS 97.1 na Wanted Sweetheart na si Papa Bol.

Kaya tinanong namin ang isa sa mga veteran radio host ng Barangay FM station na si Ate Liza kung anu-ano ang maipapayo niya sa dream boy na magpapakilig sa mga listeners gabi-gabi.

Payo ni DJ Liza, “Well I think sa kanya the pressure is greater, kasi ‘yung shoes he has to fill are very big. So nandun ‘yung expectations ng mga tao na puwede siyang ikumpara dun sa naunang DJ.”

Dagdag niya, “Pero ang masasabi ko lang sa kaniya is siguro hanapin niya ‘yung sarili niyang strategy dun sa gabi na mae-enjoy ng mga tao. Kahit na bago siya na host.”

Nagbigay rin siya ng mensahe sa mga Kabarangay listeners na na-mimiss ang dating DJ na si Papa Dan. Paliwanag ni Ate Liza na mananatili pa rin ang magic ng Wanted Sweetheart kahit sino pa man ang host na uupo sa programa.

Saad niya, “Well I think the show naman Wanted Sweetheart mayroon siyang sariling karakter. So regardless kung sino man ang taong naka-upo, listeners will always know what Wanted Sweetheart and what it is, kung ano ‘yung mechanics, na mayroong dalawang tao na puwedeng magkatagpo sa programa,”

More on Papa Bol:

EXCLUSIVE: Papa Dan reacts to the new Wanted Sweetheart DJ Papa Bol

'LOOK: Papa Bol's kilig date with a lucky Kabarangay

WATCH: Tipid tips ni Papa Bol para sa inyong first dream date