WATCH: Anu-ano ang dapat abangan ng mga Kapuso sa 'Dobol B sa GMA NewsTV' simula April 24? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa Lunes (April 24) na magsisimula ang 'Dobol B sa NewsTV' at maraming nag-aabang kung ano nga ba ang mapapanood natin sa mga de-kalbreng programa ng DZBB. 

WATCH: Anu-ano ang dapat abangan ng mga Kapuso sa 'Dobol B sa GMA NewsTV' simula April 24?

By AEDRIANNE ACAR

Handong ng Radio GMA at GMA NewsTV, ang pinakahihintay ng mga avid listeners ng mas pinagkakatiwalaan na AM station sa bansa ang Dobol B sa NewsTV na magsisimula next week, April 24.

Pagpatak ng 6AM hanggang 11AM, balitang umaatikabo at kuwelang kuwentuhan ang mapapanood ninyo Monday-Friday kasama ang mga batikang radio hosts na sina Mike Enriquez, Arnold Clavio, Joel Reyes Zobel at Ali Sotto.

Excited ang Unang Hirit host na si Arnold na finally mapapanood nang mga Kapuso viewers sa buong Pilipinas at sa ibang bansa kung bakit naiiba ang pagbabalita sa radyo.

Aniya, “Lagi kong sinasabi sa mga estudyante, iba ang radyo, iba talaga ang radyo. Ngayon ipapakita na natin sa tao bakit iba ang radyo.”

Pinangako naman ng veteran radio broadcaster at 24 Oras anchor na si Mike Enriquez na magiging masaya pero informative ang Dobol B sa NewsTV.

Mike Enriquez “Magiging fun siya Lhar. Fun na may laman siyempre walang kapalit 'yun. Balitang walang kinikilingan, walang pinoprotektahan nandiyan pa rin, plus fun ayos!”

 

Video from GMA News

More on DZBB:

WATCH: Balitang umaatikabo tuwing umaga sa Dobol B sa NewsTV

Radio GMA tutuparin ang matagal nang hinihiling ng listeners sa April 24!

READ: Ali Sotto, bakit mas pinili maging anchor sa DZBB kesa bumalik sa pag-arte?