Sino-sino ang mga bagong papa na makikipag-tugstugan sa 'Talk To Papa?' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Mga Kabarangay, may bagong hosts ang paborito ninyong afternoon program na 'Talk to Papa.' Kilalanin sila. 

Sino-sino ang mga bagong papa na makikipag-tugstugan sa 'Talk To Papa?'

By AEDRIANNE ACAR

Mas lalong pinasaya ang mga hapon ninyo mga Kabarangay, dahil may mga bago kayong makakasama sa patok na radio program na Talk To Papa.

Mapapakinggan sa radio show mula 12NN-3PM sina Papa Obet at Papa Marky para magbigay ng advice at papremyo sa inyo mga Kapuso.  

Sa exclusive na interview ng GMANetwork.com, nagkuwento ang dalawang magaling na DJs sa mga dapat nating abangan sa makulit nilang tandem.  

Ayon sa Talk Back host na si Papa Marky, ayaw niyang makaramdam ng pressure sa paghawak sa Talk To Papa na isa sa high-rating program ng Barangay LS.

Paliwanag ni Papa Marky, “Sabi ko nga kay Papa Obet ayokong i-pressure sa sarili ko. Kasi pag may pressure hindi mo na mae-enjoy. Kasi pag nandun ‘yung enjoyment you are willing to give everything and your very happy kung ano mayrun sa Talk To Papa,”

“Kasi for Talk To Papa naman it is doing good sa ratings. Hopefully sabi nila sa amin, makaya naming lumaban talaga. And that’s the challenge for us.”

Kung matatandaan nagsilbing host ng afternoon radio show sina Papa Kiko at Mama Emma. Kamakailan lang tahimik na nagpaalam si DJ Kiko sa mga Kabarangay at ang hot DJ na si Mama Emma ang bagong hahawak sa Three Play mula 3PM-5PM.

Ayon kay Papa Obet, malaking kawalan ang pag-alis ni Papa Kiko sa kanilang team, pero naiintindihan nila ang kaniyang desisyon.

“Kasi nakikitaan na namin talaga  siya na parang napapagod na si Papa Kiko sa ginagawa niya pero andun pa rin ‘yung passion niya na gusto niyang tumulong sa mga listeners, sa mga Kabarangay na nangangailangan ng tulong sa kanilang problema,”

Huwag palagpasin ang mas pinabonggang Talk To Papa with your new hosts Papa Marky at Papa Obet, dahil mas kahuhumalingan ninyo pa ang certified paboritong afternoon radio program ng lahat.

May iniwan din pangako si Papa Obet sa mga avid listeners ng show.

Wika niya, “Ako para sa akin andun pa rin ‘yung crazy fun na ibinibigay ng Talk To Papa… Naniniwala kami na maraming ideas na ibabato sa amin ng network at ibibigay sa amin ng mga listeners na mga ideas na puwede naming pag-halu-haluin sa Talk To Papa para mas maging mabigat pa ‘yung Talk To Papa.”

More on BARANGAY LS:

LOOK: Tugstugang umaatikabo kasama ang Kapuso heartthrobs na sina Lharby Policarpio at Hiro Peralta

Si Papa Obet ng Barangay LS, napapakinggan na sa dzBB?