EXCLUSIVE: Mama Emma, nalungkot sa pag-alis ng partner niya sa 'Talk To Papa' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Matapos umalis ni Papa Dan nitong Pebrero, nagpaalam na rin ang long-time Kabarangay DJ na si Papa Kiko.

EXCLUSIVE: Mama Emma, nalungkot sa pag-alis ng partner niya sa 'Talk To Papa'

By AEDRIANNE ACAR

 

Matapos umalis ni Papa Dan nitong Pebrero, nagpaalam na rin ang long-time Kabarangay DJ na si Papa Kiko.

Isa sa mga nagulat at nalungkot sa naging desisyon na ito ni Kiko ay ang ka-partner niya sa afternoon radio program na Talk To Papa, na si Mama Emma.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Mama Emma, nagkuwento ito sa naging reaction niya nang malaman niya na iiwan na siya ng kaniyang co-host sa Barangay LS.

Ani Mama Emma, “As a partner talagang na-surprise ako, so nung time na inopen-up sa akin ng boss [namin], nasurprise ako kasi sabi ko parang hindi ko alam. ‘Yung ka-partner ko siya, pero wala siyang sinasabi sa akin.”

Dagdag niya, “Kinagulat ko yun, nalulungkot ako dun sa nangyayari pero sabi ko nga nung after kong marinig ‘yung personal reason niya kung bakit siya aalis ng Barangay LS, naintindihan ko siya… Hindi ganun mga Kabarangay kadali for Papa Kiko na mag-decide to let go dito sa love niyang gawin. So, isipin mo for how many years, eto ‘yung routine niya and then suddenly gigising siya one day na hindi na. ”

Bagama't natapos na ang pagsasama nina Mama Emma at Papa Kiko sa Talk To Papa, isang bagong challenge naman para sa magaling na DJ ang bago niyang programa sa Barangay LS, matapos ibigay ng Radio GMA management sa kaniya ang pagiging host ng Three Play.

Posted by Mama Emma on Wednesday, May 31, 2017

 

All-out girl power ang mapapakinggan ng listeners tuwing hapon sa Three Play, dahil ka back-to-back din ni DJ Emma si Ate Liza.

Ano kaya ang dapat abangan ng mga Kapuso sa mas pinalakas at pinasayang Three Play hosted by the best female disk jocks ng bansa?

“Malaki, kasi pag may babae sabi nga nila, ‘yung babae ang nag-aadd ng spice sa buhay, sa bahay. Specially sa the way kung paano kami mag-handle ng program when you listen to the radio,”

Huwag papahuli sa girl power tandem nina Mama Emma at Ate Liza. Una ninyong makakasama si DJ Emma from 3 P.M. to 5 P.M. at susundan siya ni Ate Liza mula 5 P.M. hanggang 7P.M.  sa Three Play!

More on BARANGAY LS:

Sino-sino ang mga bagong papa na makikipag-tugstugan sa 'Talk To Papa?'

WATCH: Kim Rodriguez gusto sumabak sa action roles