WATCH: One Up boys na sina Yaser Marta at Jay Arcilla, enjoy sa taping ng 'Celebrity Bluff' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Dalawang Kapuso cuties ang nakasama ni Mama Belle sa 'Sikat sa Barangay.'

WATCH: One Up boys na sina Yaser Marta at Jay Arcilla, enjoy sa taping ng 'Celebrity Bluff'

By AEDRIANNE ACAR

Dalawang Kapuso cuties ang nakasama ni Mama Belle sa kaniyang high-rating radio program na Sikat sa Barangay this Tuesday morning, August 1, dahil nakipagkulitan at chikahan sa kaniya ang mga One Up members na sina Yaser Marta at Jay Arcilla.
 
 

Barangay LS 97.1 with ONE UP cuties Jay Arcilla & Yasser Marta

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter) on


Isa sa mga fastest rising boy groups ng bansa One Up na napapanood sa Taste Buddies, Unang Hirit at Celebrity Bluff.

Sa one-on-one interview nina Yaser at Jay, puring-puri nila ang mga hosts ng Celebrity Bluff na sina Eugene Domingo, Edu Manzano, Boobay at Brod Pete na napakagaan daw makatrabaho.

Ayon kay Yaser, “Sobrang saya po parang ‘yung turing na po namin dun para hindi na siya trabaho parang naglalaro na lang kami, kasi ‘yung mga co-workers po namin talagang sobrang nakakatawa po. Hindi mo ramdam ‘yung stress talaga.”

Dagdag din ni Jay, “Tawa lang kami nang tawa dun sa set talaga.”

Silipin ang mga na-miss ninyong moments sa guesting nina Jay Arcilla at Yaser Marta sa Sikat sa Barangay sa Facebook video below:

FB live with Yaser Marta & Jay Arcilla sa Sikat Sa Barangay ngayong 11am to 12nn.????

Posted by Mama Belle LS on Monday, 31 July 2017

MORE ON BARANGAY LS:

WATCH: Heartthrob Teejay Marquez gumawa ng malalaking showbiz projects sa Indonesia
 
LOOK: Morning chat with your favorite Kapuso idols!
 
LOOK: Waking up with the 'Haplos' stars