WATCH: Rocco Nacino sasabak naman sa comedy? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Excited ang 'Haplos' star sa bago niyang movie nang mag-promote sa Sikat sa Barangay ni Mama Belle this Thursday morning.

WATCH: Rocco Nacino sasabak naman sa comedy?

By AEDRIANNE ACAR

Abangan ang ‘Haplos’ star na si Rocco Nacino sa natatangi niyang pagganap sa ‘Bar Boys’ na isa sa mga pelikulang mapapanood sa Pista ng Pelikulang Pilipino mula August 16-22.

 

Excited ang StarStruck hottie sa bago niyang movie nang mag-promote sa Sikat sa Barangay ni Mama Belle this Thursday morning.

Aniya, “Naku itong film na ito two years in the making na, before Encantadia.

“Matagal pinaghandaan, matagal ang editing process para to make sure na lahat ng punchlines, lahat ng mga eksena ay patok na patok.”

Dapat daw panoorin ng mga Kabarangay ang feel good movie na ito, dahil ipapamalas daw niya ang angking galing sa comedy na first time niyang gagawin.

Saad ni Rocco, “Ang Bar Boys ay isang feel good barkada film. Alam mo matagal na tayong walang barkada film na ipinapalabas. Lagi na lang drama, heavy drama, iyakan, ito naman iiyak kayo sa kakatawa.”

“Alam mo para sa akin, isa ito sa mga pelikula na sobrang excited ako na lumabas kasi ito ang first time ko na mag-comedy.”

Panoorin ang full interview ni Rocco Nacino sa Sikat sa Barangay sa Facebook video below.

 

FB live na with Rocco Nacino sa Sikat Sa Barangay ngayong 11am to 12nn

Posted by Mama Belle LS on Wednesday, August 2, 2017

More on BARANGAY LS:

WATCH: Heartthrob Teejay Marquez gumawa ng malalaking showbiz projects sa Indonesia

LOOK: Morning chat with your favorite Kapuso idols!

LOOK: Waking up with the 'Haplos' stars