WATCH: Glaiza de Castro, inihahandog sa isang espesyal na lalaki ang bagong album na 'Magandang Simulain' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa one-on-one chikahan nina Glaiza at Mama Belle sa Sikat sa Barangay kaninang umaga (Oct. 10), nagkuwento ito tungkol sa kaniyang bagong album na all-original Pinoy music.

WATCH: Glaiza de Castro, inihahandog sa isang espesyal na lalaki ang bagong album na 'Magandang Simulain'

Inihahandog ng Kapuso actress/singer na si Glaiza de Castro sa isang espesyal na lalaki ang bagong album niya na pinamagatang ‘Magandang Simulain.' 

WATCH: Bakit nag-volunteer si Janno Gibbs na sumulat ng theme song for My Korean Jagiya?

Sa one-on-one chikahan nina Glaiza at Mama Belle sa Sikat sa Barangay kaninang umaga (Oct. 10), nagkuwento ito tungkol sa kaniyang bagong album na all-original Pinoy music.

Saad ni Glaiza, “It’s an OPM album. OPM dahil lahat ng mga kanta ko diyan ay puro Tagalog… Tapos ‘yung 'Magandang Simulain' na title ay galing sa Lolo ko, kasi ano niya 'yan eh parang lagi niyang sinasabi noong bata kami nung nabubuhay pa siya. "Huwag n’yo kakalimutan ‘yung magandang simulain" sabi niya.. So parang tribute ko ‘yun sa kaniya.”

Matapos ang successful stint ni Glaiza sa Encantadia, pinili nito na magbakasyon.

Sa katunayan galing Bhutan ang aktres kasama ng bestfriend niya na si Angelica Panganiban.

 

https://www.instagram.com/p/BZQxfJIH6jy/?hl=en&taken-by=glaizaredux

 

Bukod sa bakasyon, naging busy din ang Kapuso star para sa paghahanda sa kaniyang concert sa Music Museum sa darating na October 27 na ‘Kun[g]diman’.

Aniya, “Naglibot ako, Mama Belle [laughs]. Nag-travel ako tapos I was also busy preparing for the concert. So promoting, rehearsing and making arrangements for the music.”

Mga Kabarangay, isang special guest din ang nakasama ni Glaiza, dahil ang magician na si Ben Hart ay nagpamalas ng kaniyang skill sa Facebook Live ng Sikat sa Barangay.

Panoorin ang nakakabilib na skills ni Ben at panoorin ang performance niya sa magical show na ‘Impossible’  sa Araneta Coliseum mula December 25, 2017 hanggang January 3, 2018.