WATCH: Mamangha sa 'Awit na Aicelle' sa darating na November 24 | GMANetwork.com - Radio - Articles

Panoorin ang unli-chikahan nina Mama Belle at Aicelle Santos sa 'Sikat sa Barangay.'

WATCH: Mamangha sa 'Awit na Aicelle' sa darating na November 24

By AEDRIANNE ACAR

Hindi n’yo dapat palampasin mga Kapuso ang mas lalo pang tumitinding eksena sa pagitan nina Nimfa at Rosette sa high-rating afternoon series na Impostora.

WATCH: Spogify Singing Bae grand finalist Anthony Rosaldo promotes new hugot single in 'Sikat sa Barangay'

Sa panayam sa isa mga cast nito ni na si Aicelle Santos sa Sikat sa Barangay, nagkuwento ito patungkol sa isang bagong karakter na may mahalagang papel sa patok na Kapuso drama.

 

Kuwento niya, “Kaabang-abang ang Impostora, napakaraming [mangyayari] may bagong karakter na papasok. Tapos, malalaman niya kung ano ‘yung kahalagahan niya sa buhay ng isa sa mga main characters.”

Magkakaroon din si Aicelle ng isang bonggang concert this month na dapat abangan ng fans ng Kapuso Diva.

Ayon sa OPM singer, karamihan sa songs na ipe-perform niya sa ‘Awit na Aicelle’ ay first time niyang kakantahin.

 

 

Ani Aicelle, “Mayrun po akong concert na kailangan niyo pagkagastusan [laughs]. Ang aking concert po that’s happening on November 24, Friday 8.P.M. sa Music Museum. Ang pangalan po ng aking concert ay ‘Awit na Aicelle.’”

Dagdag niya, “Excited ako sa show na ito kasi part ako dun sa pag-conceptualize ng repertoire and maraming kanta dito, I think almost 70 to 80% first time ko kakantahin.”

Balikan ang unli-chikahan nina Mama Belle at Aicelle Santos sa Sikat sa Barangay sa video below.