WATCH: Klea Pineda, sasabak sa matinding training bago sumali sa beauty pageant | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ayon sa 'Sirkus' actress, aabot daw sa tatlong taon ang kanyang training, bago pa siya sumali sa isang beauty contest. 

WATCH: Klea Pineda, sasabak sa matinding training bago sumali sa beauty pageant

By AEDRIANNE ACAR

Maraming gustong ipagpasalamat ang Sirkus star na si Klea Pineda last 2017 lalo in terms of her showbiz career.

WATCH: Julie Anne San Jose ibibida ang mga original niyang compositions sa bagong album

Sa panayam niya sa Sikat sa Barangay, sinabi ng Kapuso actress na 2017 is the best year for her.

Aniya, “Sa akin ang 2017 ko Mama Belle mayrun ako ups and downs. Hindi naman po mawawala ‘yun di ba, ‘yun mga problems dumadating diyan, pero all-in-all sa 2017 the best year for me siyempre.”

Isa sa mga naging highlight para kay Klea noong nakaraang taon ang pagsali niya sa Asian Supermodel contest na ginanap sa Saipan noong Disyembre. Dito inuwi niya ang parangal na Miss Photogenic.

“May nasalihan akong contest before mag-end ‘yung 2017 parang ‘yun ‘yung pinaka almost na naging highlight ng year ko. Kasi parang experience wise yan. 'Tsaka, ‘yung Asian Super Model contest po yan Mama Belle. Sinalihan ko yan and international ‘yun so para sa akin, isa ‘yung achievement,”

Plano din niya simulan ngayong taon ang training para sa beauty contest at iniisip niya na aabot nang tatlong taon ang kaniyang paghahanda.

“Sa ngayon Mama Belle ang plan ko pa lang sana mag-training na ako this year and then three years after 'tsaka ako sasali kapag ka feel ko sa sarili ko na reading-ready na talaga ako. Kasi ang hirap na sumabak doon international na talaga ‘yun,”

Silipin ang buong panayam ni Klea Pineda sa Sikat sa Barangay.