Celebrity Life

Tuloy pa rin ang kilig at magandang musika sa Part 2 ng 'Himig ng Pasko'

By MARAH RUIZ



Nang huli nating makita si Bel (Regine Velasquez-Alcasid) sa unang bahagi ng Himig ng Pasko, sumali sila ng kanyang anak na si Christiana (Julie Anne San Jose) sa isang singing contest.

Sumali rin ang kaniyang business na 'Parol ni Belen' sa taunang parol-making contest ng kanilang barangay.

Bukod dito, nakatagpo niya ulit si Joseph (Ariel Rivera), ang kaniyang high school sweetheart.

Mapatibay kaya ng pagsali sa singing contest ang ugnayan ng mag-inang sina Bel at Christiana?

Makatulong kaya sa paglago ng kanilang negosyo ang pagsali sa parol-making contest?

Matutuldukan ba o madadagdagan ng mga kabanata ang love story nila ni Joseph? Magkaroon kaya ng happy ending ang Pasko ni Bel?

Dapat ding abangan sa episode ang matamis at nakakakilig na duet nina Regine at Ariel.

Tunay na pag-ibig, mga umuusbong na pagkakaibigan at magandang musika pa din ang dala ng pangalawang yugto ng Himig ng Pasko kasama sina Regine, Julie Anne at Ariel, pati na rin sina Rachel Alejandro, Jeric Gonzales at Joey Paras.

Sa panulat at direksyon ni Zig Dulay, panoorin ang ikalawa at huling bahagi ng Himig ng Pasko, ngayong Sabado, Dec. 20, 8:30 p.m. sa GMA.