Celebrity Life

Anak ni Regine Velasquez-Alcasid na si Nate, crush si Yaya Dub

By MICHELLE CALIGAN

Isa si Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa magiging judges ng pinakainaabangang pagbabalik ng Starstruck. Makakasama niya dito sina Joey de Leon at Jennylyn Mercado.

READ: Regine, pressured sa pagiging first time judge 

Bukod sa pagkuwento tungkol sa dapat abangan sa bagong season ng reality-based artista search, ibinahagi din ni Regine sa Startalk na fan ang kanyang anak na si Nate ng AlDub, ang love team nina Alden Richards at Yaya Dub sa Kalye-serye.

LOOK: Balikan ang unang pagkikita ng AlDub!

"Crush niya, kasi pinapanood niya," panimula ni Regine.



Dagdag pa niya, "Sabi niya sa akin, 'Mommy, crush ko 'yung si Yaya Dub. Love ko siya."

Mabilis bang magpalit ng crush si Nate?

"Oo nga, manang mana siya sa tatay niya (laughs)!" natatawa niyang sagot.

READ: Ang love advice ni Regine sa AlDub