Celebrity Life

Regine Velasquez, flattered sa impersonation ni Paolo Ballesteros sa kanya

By CHERRY SUN

“Woooooooh!”

Ito ang pinasikat na linya ni Lola Tidora sa Kalye-serye kung saan ini-impersonate ni Paolo Ballesteros si Regine Velasquez. At ang panggagayang ito ng dabarkad ay ikinatuwa ng Asia’s Songbird.

“’Yung opening song niya talaga I Don’t Want to Miss a Thing. Tawang tawa talaga ako. Nakakatuwa, syempre I’m very flattered na kasali ako doon kahit ‘Wooooooooh’ lang, ‘di ba,” wika niya sa panayam ng 24 Oras.

Ayon din kay Regine, hindi matutumbasan ang sayang dulot ng Kalye-serye sa kanyang pamilya. Aniya, “Malaki ‘yung pasasalamat ko sa AlDub, kila Wally (Bayola), kay Jose (Manalo), kay Paolo kasi ‘yung happiness na naibibigay nila sa nanay ko, priceless. Walang perang kapalit doon.”

READ: Regine Velasquez and family, excited nang manood ng ‘Sa Tamang Panahon’ ng Eat Bulaga 

Ngayon ay abala si Regine para sa kanyang concert na ‘Regine… at the Theater’ na magaganap sa darating na November 6, 7, 20 at 21. Ito ang una niyang concert na mga kilalang awitin mula sa mga sikat na musicals ang kanyang kakantahin at hindi mga pop songs.

READ: Asia’s Songbird, naghahanda na para sa ‘Regine… at the Theater’ 

Bahagi niya, “Mahirap ‘yung mga materials eh, so very challenging for me kasi hindi lang naman siya sa mataas lang. Hindi ‘yun eh. Mahirap ‘yung mga tono, mahirap ‘yung placement. Hindi kasi siya talaga pop concerts.”

Video courtesy of GMA News