Celebrity Life

Regine Velasquez-Alcasid's idea of a perfect Christmas

By ANN CHARMAINE AQUINO
 



Last Saturday (December 19) sa Sarap Diva, ibinahagi ni Regine-Velasquez ang rason kung bakit espesyal ang Pasko para sa mga Pilipino.

Look: Jose Mari Chan celebrates Christmas in 'Sarap Diva' 

Kuwento ni Regine, "Siguro kasi sa buong mundo tayo 'yung may pinakamahaba, pinakamakulay, pinakamasayang selebrasyon tuwing Pasko."

Inilahad din ng Asia's Songbird kung ano ang perfect Christmas para sa kanya.

"Perfect Christmas for me is of course being with family. Hindi importante kung magarbo ang handa, kung maganda ang mga palamuti sa bahay. Ang pinakaimportante talaga sa lahat ay magkakasama ang buong pamilya, magkakasamang magdasal at magpasalamat sa Panginoong Diyos dahil sa ibinigay na magandang buhay itong nakaraang taon."

Dagdag pa ni Regine, "To also pray for the coming year na sana maging maayos at maging masaganang muli ang ating bagong taon."

Look: Regine Velasquez and Ogie Alcasid's home is ready for Christmas