Celebrity Life

Dawn Zulueta on her previous sexy image: 'Grumadweyt na!'

By Bianca Geli

“Hindi ko nami-miss, tapos na tayo sa mga panahon na 'yan. Grumadweyt na!”

Dawn Zulueta

'Yan ang naging candid na reaksyon ni Dawn Zulueta nang tanugin kung nami-miss niya ba ang mas sexy niyang imahe noong 80s at 90s.

Kahit nae-enjoy niya ang pag-popost ng throwback photos, masaya si Dawn sa kanyang look ngayong 50 na siya at na-maintain niya naman ang kaniyang ganda.

Kuwento ni Dawn, natutuwa lang daw talaga siyang ipakita ang hitsura niya noon, at ang mga reaksyon ng kaniyang followers.

“I'm very happy of course I'm glad that they appreciate it.

“Ang dami ko kasi talagang throwback pictures and I find it fun to share.

“It's something nice for the new generation to see kung ano ba 'yung mga ginagawa naming mga artista noon,” dagdag niya.

LOOK: Dawn Zulueta sets Instagram on fire with throwback bikini photo

Hindi man aktibo si Dawn, mas kampante raw siya na natututukan niya ang pag-aalaga sa kanyang mga anak na sina Jacobo at Ayisha.

“My time is precious I want to spend it for the children so, unless it's something I'm really enjoying, I will not sacrifice what I have with my kids.

“Yung atensyon ko nasa mga bata kasi teenager na rin 'yung anak ko Ayisha and Jacobo, so I figured maybe there's a reason din kung bakit nawawala 'yung interes ko sa trabaho.

“It's because I also have to attend to them.

“'Yung boy ko is going to be turning 14, so nagbibinata na marami ng mga tanong I need to be more present.”

Pero kung may dumating man na tamang proyekto para sa kanya, mabibigyan naman daw ito ni Dawn ng oras.

Aniya, “If there's a nice project I might make the time for it.”

Mapapanood si Dawn sa upcoming GMA Pictures at Mic Test Entertainment offering na Family History, showing nationwide, ngayong July 24 na.

LOOK: 'Family History' holds star-studded media conference

Mikoy Morales shares what he learned about Michael V. during 'Family History' taping