GMA Logo Carmina Villarroel
Celebrity Life

Carmina Villarroel, kaanib na sa grupo ni Judy Ann Santos

By Maine Aquino
Published May 8, 2020 4:00 PM PHT
Updated May 8, 2020 8:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OVP gets P889M after bicam approval
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel


Sa ano'ng grupo parehong nabibilang sina Carmina Villarroel at Judy Ann Santos?

Nagkaroon ng funny interaction sina Carmina Villarroel at Judy Ann Santos dahil sa kanilang estado ng buhok ngayong enhanced community quarantine.

Nagsimula ito sa post kung saan nag-upload ng summer activity si Carmina kasama ang kanyang asawa na si Zoren Legaspi. Gamit ang kanilang inflatable pool, nakapag-swimming ang dalawa sa kanilang bahay.

Kuwento ng Sarap, 'Di Ba? host sa kanyang post, "Ang init! ️ Salamat at may mas malaking inflatable pool."

Ang init! ☀️ Salamat at may mas malaking inflatable pool. 💦😎 deadma na sa gray hair 😜 @officialjuday sali na ako sa group. 🤣

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel) on


Dahil sa tagal nga na nasa bahay, naglabasan na ang gray hair ni Carmina. Saad niya sa kanyang post, "Deadma na sa gray hair "

Dagdag pa niya ay sasali na siya sa grupo ni Judy Ann Santos. Matatandaang nag-post rin ito tungkol sa kanyang naglalabasang gray hair.

Judy Ann Santos, may funny post sa pagtubo ng kanyang puting buhok ngayong ECQ

Ani ni Carmina, "@officialjuday sali na ako sa group."

Sagot naman ni Judy Ann, "Hahahaha!!! Welcome na welcome ka minachick!!"


EXCLUSIVE: Mavy Legaspi and Cassy Legaspi's funny yet sweet Mother's Day greeting for Carmina Villlarroel

WATCH: Carmina Villarroel's home workout routine