Celebrity Life

Carmina Villarroel shares secret to her youthful skin

By Maine Aquino

Sa recent post ni Carmina Villarroel sa kanyang YouTube channel ay ibinahagi niya ang kanyang steps na ginagawa para sa kanyang skin care routine.

Ayon sa Sarap, 'Di Ba? host, ito ay isa sa requests ng kanyang mga subscribers kaya naman ipinakita niya na ang kanyang mga ginagamit na products para ma-achieve ang kanyang healthy and youthful skin.

Saad ni Carmina sa video, importanteng alamin muna ang skin type bago mamili ng products.


"You have to know your skin type first. Kayo po ba ay dry skin, oily skin, sensitive skin, you have to know. And then 'pag nalaman niyo na that's the time you buy your products."

Payo niya pa sa kanyang subscribers ay bumili muna products sa maliit na size o kaya ay humingi ng sample para i-test ang produkto.

"If you're not sure, just buy the smaller sizes, yung smaller bottles. Kung puwedeng makahingi ng sample, why not. Para sa ganon, ma-try niyo muna and kung swak kayo, after non, 'pag naubos niyo na yung maliit na sizes, you just buy the bigger one.

Pagdating naman sa kanyang routine, importante umanong siguraduhing malinis ang mukha bago maglagay ng skincare products.

"Before I put anything on my face I make sure na malinis po siya."

Kapag may makeup si Carmina ay gumagamit siya ng makeup remover wipes at eye and lip makeup remover bago siya mag-facial wash. Ni-reveal rin ni Carmina na fan siya ng Korean skincare brand na ibinahagi sa kanya ng kaibigan niyang si Gelli de Belen.

Bukod sa products ay nagbigay rin ng tips si Carmina. Para umano hindi masayang ang products ay hindi siya gumagamit ng cotton.

"Hindi na ako gumagamit ng cotton kasi parang feeling ko sayang. Gusto ko diretso na kaagad sa aking skin. Kung sa cotton, baka mapunta pa yung product doon sa cotton."

Isa pa sa kanyang payo ay huwag kalimutan lagyan ng skin care products ang neck area.

"Don't forget to put on your neck do not neglect this area... Sabi nila nalalaman daw nila 'yung edad ng tao sa neck. Kasi nga ito 'yung hindi mo talaga magalaw kasi sa mukha at least puwede kang mag-face lift, at kung anu-ano pang ginagawa pero sa neck, no, no, no. Delikado."

Dagdag pa ni Carmina ay ang paggamit ng isa sa kanyang must-have skin care na eye cream.

"Please do not skip this part. Use your ring finger... para mas less 'yung pressure."

Sa kanyang video ay ibinahagi rin ni Carmina ang isa sa kanyang sikreto para magkaroon ng tinted and moisturized lips.

"Ito naman po 'yung isa sa secret ko na ire-reveal ko na at ise-share ko sa inyo. Palagi kong ginagamit, during the day basta palagi akong may ganito sa bag. Minsan sa taping ito na nga lang din ang ano ko, 'yung lipstick ko. Kasi gusto ko talaga 'yung lip balm."

Panoorin ang kabuuang skincare routine and beauty tips ni Carmina sa kanyang YouTube channel.





Legaspi family, nag-reminisce ng kanilang Japan adventure

Trending TikTok couple, fun exercise, and more sa 'Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition'