Celebrity Life

Dawn Zulueta gives update about her 'uban legend'

Nagbigay ng uban update si Dawn Zulueta sa kanyang Instagram followers.

Aniya, "silver and gold strong" ang kanyang mga uban ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Hindi naman alintana ng kanyang followers, tulad nina Aiko Melendez, Shalani Soledad, at MJ Lastimosa, ang kanyang puting buhok dahil mas nangibabaw pa rin ang ageless beauty ng 51-year-old actress.

Sabi ng isang netizen, "Sa lahat po ng inuuban, eto ang pak na pak! MDZ lang malakas!"

Nagsimulang maging bokal si Dawn tungkol sa kanyang uban nang ipinatupad ang enhanced community quarantine, kung kailan sarado ang mga beauty salon at iinirekomenda ang limitadong paglabas bilang pag-iingat sa COVID-19.

Dahil dito, binansagan niyang "uban legend" ang kanyang quarantine hairstyle.

Samantala, narito ang iba pang celebrity na proud sa kanilang uban ngayong COVID-19 quarantine.