
Sinorpresa ni Primetime Queen Marian Rivera ang kanyang mga tagahanga sa kanyang bagong look na talaga namang bagay sa kanya.
Maging ang kapwa niya mga artista ay napa-comment sa kanyang bagong hairstyle
Sa ibinahaging larawan ni Marian sa Instagram, makikita na mayroon nang bangs ang aktres.
Sabi pa niya, "Switching it up a little with this new 'do."
Una nang napansin ng fans ang bagong hairstyle ni Marian sa video greeting ng aktres para sa bagong Kapuso na si Bea Alonzo.
Aprubado at nagustuhan ng kanyang mga tagahanga ang look na ito ng aktres.
Ilan sa mga artistang natuwa at nagustuhan ang bagong look ni Marian ay sina Jackie Lou Blanco, Sef Cadayona, Angel Locsin at Mariel Rodriguez-Padilla.
Samantala, mapapanood sina Marian at Dingdong Dantes sa Philippine adaptation ng hit Korean drama na Endless Love mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad.
Samantala, tingnan ang celebrities na angat ang ganda sa kanilang pixie cut hairstyle: