Celebrity Life

Cai Cortez on embracing her freckles: 'It took me 34 years to be exact'

By Aimee Anoc

Kung noon ay itinatago at gustong ipatanggal, ngayon ay proud nang ipinapakita ni Cai Cortez ang natural niyang ganda.

Ayon kay Cai, inabot siya nang mahabang panahon bago tuluyang matanggap ang freckles niya sa mukha. Aniya, "34 years to be exact, to completely embrace."

Maraming beses na rin daw pinag-isipang ipa-laser ito ng aktres, na biro niya ay "buti na lang wala akong pera at 'di ko napagawa."

Ibinahagi rin ni Cai ang ilan sa mga natutunan sa buhay-- ang tanggapin kung ano'ng mayroon siya.

"May rason talaga si Lord palagi. Buti na lang din 'di ako payat at baka bold star na ko ngayon," birong sabi niya. "Kaya always trust God's plan. We may not understand kung bakit natin pinagdadaanan 'to, pero ending, maganda pala ang kinalabasan. Tiwala lang."

Sa comments section ng post niyang ito sa Instagram, nakatanggap ng papuri si Cai mula sa First Lady co-stars niyang sina Sanya Lopez, Kakai Bautista, Thia Thomalla, Muriel Lomadilla, at Thou Reyes. Ganoon din sa ilang celebrities tulad nina Arra San Agustin, Iya Villania, Candy Pangilinan, Ara Mina, Ashley Ortega, at Beauty Gonzales.

Noong Hulyo, napanood si Cai bilang Norma sa GMA Primetime series na First Lady.

TINGNAN ANG ILANG CELEBRITIES NA PROUD NA IPINAPAKITA ANG KANILANG FRECKLES DITO: