Celebrity Life

LOOK: Sophie Albert is stunning in her bridal photos

By Maine Aquino

Kahanga hanga ang ganda ng Kapuso star na si Sophie Albert sa kanyang bagong Instagram post.

Sa latest upload ni Sophie ay ipinakita niya ang kaniyang ginawang bridal photoshoot. Ayon sa caption ni Sophie ay kuha ito ng photographer na si Dom Cruz.


Ilang followers ang napahanga sa ganda ng bridal look ni Sophie. Ilan sa mga ito ay mga artistang sina Shaira Diaz, Arra San Agustin, Max Collins, Analyn Barro, Valeen Montenegro.

Nag-comment rin sa post ni Sophie sina Bela Padilla, Mayton Eugenio, at Alyana Asistio.

Last October, ibinahagi nina Sophie at ni Vin Abrenica na ilang buwan na lang bago sila ikasal.

Sa vlog nila ni Vin ay inilahad ni Sophie na ang kanilang kasal ay magiging celebration ng kanilang pagmamahal sa isa't isa.

"Until now, hindi pa rin siya nagsi-sink in. I don't know. Honestly kasi, our wedding it's just going to be like a celebration."

Paliwanag ng Kapuso star ay walang magbabago pagkatapos ng kanilang kasal. Ani Sophie, "It's not going to change anything 'cause we're already a family, we already live together. It's mostly just like celebrating the love that we already have."

Inilahad nina Vin at Sophie na engaged na sila noong February 2021. Ang celebrity couple ay mayroon ng one year old daughter na si Avianna.

BALIKAN ANG PRENUP PHOTOS NINA SOPHIE AT VIN DITO: