Showbiz News

Team Bahay, Team Abroad at Team Arena: AlDub Nation, hindi nagpapigil!

By Elmo Benguan
By: ELMO BENGUAN


Maituturing na isa na namang "history" ang ginawa ngayong araw ng AlDub fans. Una ay ang pag-break ng nauna nilang record na 25 million tweets! Ang pinakabagong record ngayong araw ay mahigit 26 million tweets (and counting) via #ALDubEBTamangPanahon. 



Isa pang achievement ng AlDub Nation ay ang punuin ang pinakamalaking indoor arena sa buong mundo! 



Ito ay sa dahilang sold-out agad ang tickets ng "Tamang Panahon" concert hours after it was announced!
Kaya naman, may iba't-ibang "teams" ang AlDub fans: Team Bahay, Team Abroad at Team Arena!


Hindi naman nasayang ang effort ng mga Team Arena!


Ito na kasi angsimula ng "tamang panahon." Wala nang split screen, wala nang hadlang!

October 24, 2015. A history, a phenomenon, a truly memorable day! Congratulations po sa inyong lahat at maraming salamat!