Mga Kapuso stars ngayon, mga athletes noon!

Kilala ang Sparkle GMA Artist Center bilang isa sa mga talent agencies na patuloy na nag-aalaga at pinaghuhusay ang mga bagong artista ngayon sa showbiz.
Sila rin ang tumutuklas ng mga may potensyal maging artista mula sa iba't ibang larangan tulad ng isports.
Kasama sa listahan ay ang sikat na Philippine volleyball heartthrob na si John Vic De Guzman. Nakilala siya bilang atleta na nakapaglaro sa SEA Games at nanalo ng silver medal noong 2019. Ngayon, mas kilala si John Vic bilang aktor sa trending at high-rating afternoon serye na 'Abot-Kamay na Pangarap'.
Maliban kay John, dating sports prodigy ang aktres na si Skye Chua sa kompetisyon o laro ng ice skating. Gamit ang talento niya sa pag-arte at pati na rin sa ice skating, napasama si Skye sa primetime series na 'Hearts on Ice' kung saan buminda sina Ashley Ortega at Xian Lim.
Kilalanin ang iba pang mga dating athletes na ngayon ay ganap na artista sa gallery na ito.














