Celebrity Life

LOOK: SexBomb girls, reunited sa binyag ng anak ni Jopay Paguia

By Jansen Ramos

Muling nagsama-sama ang original SexBomb dancers sa binyag ng first baby nina Jopay Paguia at Joshua Zamora na si Isabelle Alessa.

SexBomb girls

Present rito sina Rochelle Pangilinan, Mia Pangyarihan, Izzy Trazona, Aifha Medina, Mae Acosta at Cherry Ann Rufo na nagsilbing ninang ni Alessa.

Ipinost ni Rochelle noong Lunes, December 3, sa Instagram ang ilang larawan mula sa okasyon. Ayon sa kanya, ipinagdiwang na rin ng kaniyang inaanak ang first birthday nito.


"Happy birthday and welcome to the Christian world, baby Alessa," sulat ng former SexBomb dancer.

Ipinanganak ni Jopay si Alessa noong December 30, 2017.