Celebrity Life

LOOK: My Special Tatay's Baby Angelo turns 1

By Nherz Almo

Bagama't tapos na ang hit afternoon series na My Special Tatay, patuloy pa rin ang pagiging updated ng fans tungkol kay Baby Angelo.

Si Baby Angelo, o ER Villa sa tunay na buhay, ay gumanap bilang anak nina Boyet at Aubrey, na ginampanan nina Ken Chan at Rita Daniela sa teleserye.

LOOK: Baby Angelo's cutest photos with the cast of 'My Special Tatay'

Katulad na lamang kahapon, May 5, ilang fans ang nag-upload ng photos at videos mula sa first birthday celebration ni Baby Angelo, o ER Villa sa tunay na buhay.

Ang kaarawan ni Baby Angelo ay dinaluhan ng kaniyang lola sa My Special Tatay na si Lilet at tito na si Bruno Gabriel. Naroon din sa kiddie party ang young actor na si John Kenneth Giducos, na gumanap bilang matalik na kaibigan ni Boyet na si Dekdek.

Maligayang kaarawan, Baby Angelo!