Kyline Alcantara, Mikee Quintos, at iba pang Kapuso stars, sumali sa Celebrity Auction ng Noel Bazaar
Published On: November 19, 2019, 07:15 PM
Updated On: December 23, 2019, 02:35 PM
Ilang Kapuso stars ang nagbahagi ng kanilang pre-loved items sa ginanap na Noel Bazaar.
Sina Kyline Alcantara, Mikee Quintos, Jhong Madaliday, and Garrett Bolden ay naging parte ng GMA Celebrity Auction para magbigay suporta sa Kapuso Foundation.
Para sa mga gustong mamili ng panregalo ngayong Pasko, maaari pa ring mag-shopping sa World Trade Center, Pasay City hanggang November 24. Sa November 27 to December 1 naman ay magbubukas ang Noel Bazaar sa The Filinvest Tent Alabang at sa December 19 to 22 sa SMX Convention Center.