Nagdaos ang Kapuso network ng “BlogFanCon” sa Cebu para sa “Pit Senyor Kapuso” event ng 'Pinulot Ka Lang sa Lupa' stars.
Lumipad patungong Cebu sina Julie Anne San Jose, Benjamin Alves, LJ Reyes, at Martin del Rosario para sa “Pit Senyor Kapuso” event ng GMA Regional TV at makisaya sa Sinulog Festival.
Sabay-sabay hinarap ng reel at real couple ang pagsagot ng mga tanong patungkol sa kanilang show at love life. Gaganap sina Ben at Julie Anne bilang sina Ephraim at Santina sa kuwento ng remake ng 'Pinulot Ka Lang sa Lupa.'
READ: Julie Anne San Jose thanks rumored boyfriend Benjamin Alves for his holiday gift to her family
Aliw na aliw naman sina LJ at Martin sa kanilang pakikisalamuha sa mga bloggers na talagang nagpasaya sa kanilang hapon.
Nag-enjoy sina Ben at Julie Anne sa “very intimate setting” ng kanilang lunch kasama ang Cebuano bloggers.
Makiki-share naman ang mga characters nina LJ at Martin bilang sina Angeli at Kiko sa pag-iibigan nina Ephraim at Santina.
Naka-meet and greet rin ng cast ang mga miyembro ng Kapuso Brigade sa Cebu.
Kapwang masaya sina Julie Anne at ang kanyang mga tagahanga sa kanilang pagkikita. Ani Asia's Pop Sweetheart, ““We all had a great time. I got to meet some of our [Kapusos] here in Cebu, [and] they were very heartwarming.”
Nagkuwentuhan at nakipag-kulitan naman si LJ sa kanyang fans, “Nakakataba ng pusong makilala 'yung mga taong sumusuporta sa'yo na simpleng makita ka lang at makamayan mo sila ay masaya na sila. Napaka-warm nila!”
Ang tungkol naman sa pag-aaral ang pinagtuunan ng pansin kay Ben, “[I found out] about their personal lives and what they're taking up sa school. I'm excited for next time we meet kasi for sure, we will continue to grow in number.”
Nagpasalamat ang Kapuso stars sa mga dumalo sa kanilang event. Artist Center Folio na personal na pinirmahan nina Julie Anne, Ben, LJ, at Martin ang kanilang ibinigay sa fans bilang kanilang pasasalamat.
Nagkaroon rin ng oras ang Kapuso stars upang makasama kumain ang GMA Regional TV at GMA Social Media teams.