Celebrity Life

Carlene Aguilar, katuwang si Jennylyn Mercado sa pagiging magulang sa anak nila ni Dennis Trillo

By Jansen Ramos

Masayang-masaya si Carlene Aguilar sa magandang samahan ng dating nobyo nito na si Dennis Trillo at asawa nitong si Jennylyn Mercado. May anak sina Carlene at Dennis na si Calix Andreas, na ngayon ay 15 taong gulang na.

"Masayang-masaya ako kasi nag-mature na talaga si Dennis. Kitang kita ko 'yung maturity n'ya tapos mahal nila 'yung anak namin, mahal ni Jen. Wala akong nakikitang bad about do'n.

"Sobrang ibang-iba. Nagmature na kami through the years," bahagi ni Carlene sa isang video interview ng pep.ph noong February 10.

Taong 2009 nang ikasal si Carlene kay Yo Ocampo sa isang simpleng civil ceremony sa Quezon City Hall. May dalawa silang anak na sina Marcus at Hunter.

Sa nasabing panayam, hindi maaala ni Carlene kung na-meet na niya si Jennylyn pero minsan daw sila nagkaroon ng komunikasyon through phone.

Ayon kay Carlene, nagiging sumbungan niya si Jen pagdating sa pagdidisiplina sa anak nila ng Love Before Sunrise actor.

Sabi niya, "Minsan kapag naiinis ako kay Calix, sinusumbong ko sa kanya, actually. Sabi ko, 'hay nako, ikaw na nga makipag-usap d'yan,' mga gano'n. Minsan masakit na ulo ko, ayoko muna s'yang kausapin, mga gano'n, kasi madalaas nagka-clash kami dahil teenager na."

Binibigyan ba ni Carlene ng karapatan si Jen na sermonan si Calix?

Mabilis na sagot ng dating nobya ni Dennis, "Oo naman kasi syempre, kumbaga, stepmom na s'ya and kung wala ako, s'ya 'yung tumatayong ina kapag kasama ni Dennis si Calix, so why not, 'di ba?"

Bahagi pa ni Carlene, nag-share sila ni Jen ng parenting tips dahil teenager na rin ang panganay nitong anak na si Alex Jazz, anak ng Kapuso actress kay Patrick Garcia.

Maayos din ang co-parenting setup nina Carlene at Dennis kay Calix.

Ani Carlene, pwedeng hiramin ni Dennis ang kanilang anak anytime.

Aniya, "Kapag kailangan pumunta do'n kapag may school, 'pag sa 'kin kapag online 'yung school kasi hybrid e, may online, may face to face. 'Yung school n'ya kasi malapit sa bahay ni Dennis sa Rizal, pero minsan pupunta s'ya sa QC sa bahay nila Jen so papalit-palit. Nasanay na 'yung anak namin na gano'n."

Pinag-usapan din ang magandang trato ni Calix sa anak ni Jen na si Jazz.

Reaksyon ni Carlene dito, "Kuya din naman si Calix sa mga kapatid n'ya sa 'kin kasi dalawa 'yung kapatid n'yang lalaki na mas bata so kuyang-kuya talaga. Sabi ko kasi syempre, dapat maging kuya s'ya na maayos sa mga kapatid n'ya."

Dahil panganay na anak, natural na raw kay Calix ang pagiging protective na kuya, pati sa stepson ng kanyang amang si Dennis.

"Actually, parang innate na rin sa kanya na parang kasi 'di talaga s'ya mag-isa, alam mo 'yun. Very protective si Calix saka very mature for his age."

Ikinasal sina Dennis at Jennylyn noong November 2021. Mayroon silang anak na si Dylan Jayde na mag-iisang taong gulang na sa April 25.

NARITO ANG IBA PANG NAKAKA-INSPIRE NA CELEBRITY MODERN FAMILIES: