Celebrity Life

Kylie Padilla, nag-camping kasama ang mga anak

By Marah Ruiz

Masaya ang naging bonding ni Kapuso star Kylie Padilla at kanyang mga anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo ngayong Holy Week.

In-enjoy nila ang outdoors at nature habang nagka-camping.

Sa isang post sa Instagram, ibinahagi ni Kylie nag ilang pictures nina Alas at Axl na nasa isang tent sa gitna ng mga puno.

Makikita rin ang tent na nailipat na sa balkonahe ng isang bahay.

"Where we find healing and alignment. 🙏🏻🌿," sulat ni Kylie sa caption ng kanyang post.

Bago ang Holy Week break, naging busy si Kylie sa pagpo-promote ng bago niyang pelikulang Unravel, kung saan katambal niya ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson.

Isa ito sa walong pelikila na bahagi ng kaunaunahang summer edition ng taunang Metro Manila Film Festival (MMFF).

Bukod dito, bumibida rin si Kylie sa mythical primetime megaserye na Mga Lihim Ni Urduja.

TINGNAN ANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG PROGRAMA RITO: