GMA Logo Gladys Reyes
Celebrity Life

Gladys Reyes, umani ng papuri sa 'multitasking' skills nito bilang mommy

By Aedrianne Acar
Published April 19, 2023 10:19 AM PHT
Updated April 19, 2023 11:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang aso, nakaranas ng kalupitan
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Gladys Reyes


Hinangaan ng netizens ang multi-tasking skills ng celebrity mom na si Gladys Reyes!

Kilala ng publiko si Gladys Reyes bilang isang mahusay na aktres, TV host, at businesswoman. Pero hindi rin matatawaran ang sakripisyo at pagmamahal ni Gladys bilang isang ina sa kaniyang apat na anak.

Kahapon, April 18, nakatanggap sa samu't saring papuri ang former Pepito Manaloto actress nang ipasilip niya ang isang normal day para sa kaniya at kung paano siya mag-multitask.

Kuwento ni Gladys, kailangan niya maging stylist, makeup artist, at biro pa nito isang “stage mother” para sa tatlo niyang anak para sa graduation pictorial ng mga ito.

Lahad niya, “One proud mama!

“Multitasking mama on my sons' graduation pictorial.

“My eldest son @christophe_sommereux is graduating from Grade 12, Grant from Grade 6 and Gavin from Kinder entering grades chool soon.

“My only girl Aquisha is moving up to Grade 10 and not yet graduating.

“Mommy duty here, hair and makeup artist/stage mama/stylist.”

A post shared by Gladys Reyes-Sommereux (@iamgladysreyes)


Marami naman ang humanga kay Mommy Gladys na todo sa pag-aasikaso nito sa kaniyang mga anak, kahit napakarami nitong trabaho.

Ikinasal si Gladys sa asawa nito na si Christopher Roxas noong January 23, 2004.

TINGNAN ANG HAPPY RELATIONSHIP NINA GLADYS AT CHRISTOPHER DITO: