TV

Gladys Reyes, inaral ang kilos ni Dexter Doria para sa role niya sa 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento'

By Aedrianne Acar

Ramdam ang excitement sa boses ni Gladys Reyes nang um-attend ito sa GMA PinoyTV virtual event na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento Funconnect ngayong Miyerkules, July 14.

Dito naka-hangout ng mga Kapuso abroad ang mga bida ng prequel ng Pepito Manaloto tulad nina Michael V., Manilyn Reynes, Sef Cadayona, at Mikee Quintos.

Sa panayam kay Gladys na gaganap na Nanay Rosa sa sitcom, walang pagsidlan ng tuwa ang aktres na napasama siya sa ganitong kalaking project ng Kapuso Network.

“Maganda 'yung mga eksena kasi talagang makaka-relate din 'yung mga manonood natin and ako tuwang-tuwa, sabi ko nga kay Kuya Bitoy na may family-oriented sitcom na napasama ako and thank you so much to Kuya Bitoy and of course sa mga boss namin--- isa ako sa naisip nila for the role.” ani Gladys.

Maalala n'yo na huling bumida sa isang sitcom si Gladys noong gawin niya ang Bahay Mo Ba 'To (2004).

Ngayon, siya ang gaganap sa role ni Dexter Doria na si Nanay Rosa na ina ni Patrick sa original series.

Inaral daw ni Gladys mabuti kung paano magbitaw ng linya si Tita Dexter for this project.

Wika niya, “Sa present time, ako si Tita Dexter Doria, though I work with Tita Dexter before, so medyo siyempre alam ko na rin kung paano siya magsalita.”

Dagdag niya, “Nakatulong din 'yung napanood ko 'yung past episodes and siguro decades na nung gumawa ako ng sitcom, the last time was Bahay Mo Ba 'To, so ang tagal na kaya talagang natuwa ako, answered prayer for me ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, dahil nga sa pandemic natakot talaga ako mag-work agad and the last time na ginawa ko pa was Madrasta 'yung last serye ko.

“So sabi ko, sana po, Lord, bigyan mo ako ng sitcom muna parang warm-up ko bago uli ako mag-serye and ito na nga po, kaya sobrang thankful ako for this opportunity.”

Successful din ang Funconnect event ng GMA PinoyTV na inabangan ng mga Kapuso online. Nag-trend pa ang hashtag na #PepitoManalotoFunCon sa Twitter Philippines.

Sa mga naka-miss sa trending event na ito ng GMA PinoyTV with the cast of Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, panoorin uli ito sa video below!

Silipin naman ang ilan sa behind-the-scenes sa taping ng Kapuso sitcom under the new normal sa gallery below.

Related content:

LIST: 7 reasons to watch 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento'