
Hindi matatawaran ang versatility ng drama actress na si Yasmien Kurdi at mukhang namana rin ng anak nito na si Ayesha Zara ang galing sa pagkanta.
Kamakailan lang, ibinida ng StarStruck First Princess ang piano recital ng kaniyang baby girl at sa Instagram post naman nito kahapon (May 5), inilahad niya na nanalo si Ayesha sa isang singing contest.
Kasalukuyang nag-aaral ang anak ni Yas sa Colegio San Agustin.
Post ng Kapuso actress, “Congratulations #AyeshaZara for winning 1st place…sa iyong 1st #singingcontest.
“Mama's so proud of you! love youuuu!!! Sayang wala ako… nasa taping kasi… pero kinwento at pinadala ni Papa lahat ng videos at photos sakin! Proud kami sayo! #ProudMommy #Speechless #princessjasmin.”
Sunod-sunod din ang pagbati ng ilang celebrities sa bagong achievement na ito ni Ayesha.
Image Source: yasmien_kurdi (IG) and rey_soldevilla (IG)
Bukod sa pagiging aktres, ilang kanta rin ang pinasikat ni Yasmien Kurdi tulad na lang ng “I Know” at “In The Name Of Love.”
Mapapanood naman ang StarStruck alumna sa series na The Missing Husband kung saan makakasama niya sina Rocco Nacino, Jak Roberto, Joross Gamboa, Nadine Samonte, Sophie Albert, Max Eigenmann, Cai Cortez, Sparke Teen Bryce Eusebio, at marami pang iba.
CHECK OUT THE DAZZLING LOOKS OF YASMIEN KURDI IN THIS GALLERY: