Celebrity Life

Rocco Nacino receives early Father's Day gifts from his family

By EJ Chua

Ngayong 2023, first time na ipagdiriwang ng isa sa Sparkle's prime leading men na si Rocco Nacino ang Father's Day.

Bago sumapit ang petsa na June 18 para sa naturang selebrasyon, nakatanggap na ng mga regalo si Rocco mula sa kanyang pamilya.

Kamakailan lang, ipinag-shopping siya ng kanyang asawa na si Melissa Gohing kasama ang kanilang anak na si baby EZ.

Sa Instagram, ibinahagi ng The Missing Husband lead actor na ang isang short clip, kung saan mapapanood sila habang namimili ng mga bagong damit.

Ayon sa kanyang caption, “What my wife shopped for me for Father's Day! She knows that I rarely buy for myself."

Pagbabahagi ng aktor, nakatuon lamang siya sa mga gastusin sa bahay at sa pangangailangan ng kanyang pamilya.

"What I spend is always for the house, and the family. As a first timer in celebrating my first Father's Day, I can already feel the love and appreciation my family has for me."

Dagdag pa niya, “Ako naman ang kikiligin ngayon, thank you mommy…”

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco)

Nito lamang nakaraang Mayo, nagtungo sa Dubai sina Rocco at ang kanyang pamilya para sa pagdiriwang ng Mother's Day.

Samantala, abangan si Rocco sa upcoming suspense drama series na The Missing Husband, mapapanood na ngayong taon sa GMA Afternoon Prime.

SILIPIN ANG BEAUTIFUL FAMILY LIFE NI ROCCO NACINO SA GALLERY SA IBABA: