Celebrity Life

Gabby Concepcion shares what will make him happy as KC Concepcion's father

By Maine Aquino

Inilahad ni Gabby Concepcion na ang kaligayahan ng anak niyang si KC Concepcion ang magpapasaya sa kaniya bilang isang ama.

Ito ay inamin ni Gabby sa vlog kung saan tinanong siya ni KC ng "What would make you happy na gagawin ko sa life ko as your daughter?"

Sagot ng Stolen Life actor sa tanong ni KC, "I just want to see that you're happy, know that you're happy, which makes me happy."

Dugtong pa ni Gabby, "The energy that comes from you, vibrates directly here. So alam ko."

Para kay Gabby, ang tunay na kaligayahan ni KC sa kaniyang buhay ang tanging magpapasaya sa kaniya bilang ama.

"When you're happy in love, when you're happy with a relationship, when you're happy with family, happy with friends, 'yun, that will make me happy."

PHOTO SOURCE: YouTube: Gabby Concepcion

Isa pa sa mga naging tanong ni KC sa ama ay "What should I do more, and what should I do less?"

Sagot naman ni Gabby kay KC, "You should do less traveling and then do more settling. Baka mali din ako, you should do more traveling and less settling."

Nagbiruan pa ang mag-ama kung ano ang ibig niyang sabihin sa traveling at settling.

Natatawang pag-amin ni KC sa vlog, "Gets ko na. Gusto na talaga nila ako mag-settle down. Bibilhan ko na lang 'yung sarili ko ng engagement ring."

Panoorin ang kanilang father-and-daugther Q&A rito:


SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA LARAWAN MULA SA BEACH HOUSE NI GABBY: