Celebrity Life

Winwyn Marquez on being a mom: 'It's a wonderful journey'

By Maine Aquino

Kitang kita ang pagiging proud mom ng Kapuso star na si Winwyn Marquez.

Ikinuwento ni Winwyn ang kaniyang bagong role bilang new mom sa set ng Eat Bulaga kung saan napapanood siya bilang guest host.

Ani Winwyn hindi pa rin siya makapaniwala sa bilis ng paglaki ng kaniyang anak na si Luna.

PHOTO SOURCE: @teresitassen



"She's 14 months already. It's a wonderful journey, wonderful being a mom."

Inamin ni Winwyn na mahirap man iwan ang kaniyang anak, kinakailangan niya pa rin itong gawin para sa kaniyang trabaho bilang artista.

"Medyo nag-a-adjust pa ako kasi ang hirap iwan ng anak ko. Alam ko naman its possible to thrive in both. I'm just lucky to be with them right now, tuloy tuloy lang ang saya."

Saad pa ni Winwyn kasama niya sa pag-aalaga ang non-showbiz partner, "I've been very hands on ngayon lang talaga yung dad niya."

Dugtong ni Winwyn masaya siya sa suportang natatanggap para sa kaniyang role bilang ina at bilang artista.

"Nag-gi-give and take kami, I have to work, I have to go back to my career. I am just so happy to have people around me supporting me."

SAMANTALA, BALIKAN ANG MOTHER AND DAUGHTER MOMENTS NINA WINWYN AT LUNA: