GMA Logo John Prats and Camille Prats
Celebrity Life

Camille at John Prats, inalala ang kanilang funny childhood moments

By EJ Chua
Published July 18, 2023 10:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump brands fentanyl a ‘weapon of mass destruction’ in drug war escalation
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

John Prats and Camille Prats


Ikinuwento nina Camille at John Prats kung gaano sila kasabik noon sa bathtub at swimming pool.

Masayang nagbalik-tanaw ang magkapatid na sina Camille Prats at John Prats tungkol sa kanilang childhood moments.

Sa YouTube channel ni Camille, mapapanood si John bilang guest sa kaniyang vlog na "Cam Cook With Me."

Sa unang parte ng video, binanggit ng aktres na madalas daw napapagkamalan na siya ang mas matanda sa kanilang dalawa.

Matutunghayan sa vlog na muli nilang binalikan ang ilang nakatatawa at hindi nila malilimutan na pangyayari noong sila ay mga bata pa.

Ibinahagi ni Camille kung ano ang paborito nilang laro noon ni John.

Sabi niya, “Growing up, kami ni Kuya sanay kaming maglaro sa kalye. Ang laro naming patintero tapos forever kaming magkalaban. And beside [our house], may vulcanizing shop.”

Sinundan naman ito ni John, “Talagang apartment namin, driveway lang na maliit tapos vulcanizing shop na, ganon kadikit.”

Pagpapatuloy ni Camille, “So, one of our fondest memories was, Sunday sarado 'yung vulcanizing shop tapos nakita namin mayroon silang gulong ng truck na kinalahati… mukhang bathtub eh wala naman kaming bathtub noon.”

Masayang ipinaliwanag ni John kung ano ang naisip nilang gawin noon ni Camille sa gulong na kanilang nakita.

Pagbabahagi niya, “Hindi naman kami kaswerte noong time na 'yun na magkaroon ng swimming pool o bathtub. So, very excited kami kapag nakakakita kami ng mga ganon. So, sa kabutihan palad, naniwala si Cams na puwedeng mag swimming doon.

“Bumabad kami sa napakaduming tubig. 'Yun palang gulong na 'yun, doon tinitingnan 'yung mga gulong ng interior ng kotse… imagine gaano kadumi 'yung binabaran natin,” dagdag pa niya.

Pag-amin naman ni Camille, “Napalo talaga kami ng bongga ni mother. Magkalaro talaga kami ni Kuya [John Prats] … wala pang gadgets…”

Samantala, maagang pumasok sa mundo ng show business ang magkapatid na sina Camille at John.

Nakilala sila bilang mahuhusay na child stars noon sa ilang TV shows at ilang pelikula na tinangkilik ng napakaraming manood.

Nagkasama rin sila sa youth-oriented comedy variety show noon na Ang TV.

Panoorin ang latest bonding moment nina Camille at John sa video na ito:

SILIPIN ANG BONDING MOMENTS NI CAMILLE PRATS KASAMA ANG KANYANG PAMILYA SA RESORT NILA SA BATANGAS SA GALLERY SA IBABA: