Celebrity Life

Rochelle Pangilinan, proud sa pagiging bibo ng anak na si Shiloh Jayne

By Abbygael Hilario

Proud na ibinahagi ng Kapuso actress-dancer na si Rochelle Pangilinan ang video ng kanyang unica hija na si Shiloh Jayne.

Sa Instagram, nag-upload ng video si Rochelle kung saan makikitang namimili sila ng laruan sa isang mall.

Sa post ng celebrity mom, makikita kung gaano ka-active at friendly si Shiloh na maging ang mga cashier staff ng naturang establisyimento ay tuwang-tuwa sa kanya.

"Her charm... I am blessed na magkaroon ng anak na nakakapagbigay ng kaunting ngiti o kasiyahan sa mga taong alam kong pagod na kakatrabaho. Hindi kasya ang 1 1/2 min na video eh para maishare lang ang kasiyahan ko," ani Rochelle sa kanyang caption.

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)

Samantala, sa isa pang Instagram post ay nagbigay naman ng mensahe si Rochelle para sa kanyang anak.

"Hindi kita iiwan... Nandito lang ako, hanggang sa pagtanda namin ni Daddy mo anak. @arthursolinap," sulat niya.

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)

Si Shiloh Jayne ay anak ng dating leader ng SexBomb Girls na si Rochelle Pangilinan sa kanyang asawa at Kapuso actor na si Arthur Solinap.

TINGNAN ANG GLORIOUS MORENA PHOTOS NI ROCHELLE PANGILINAN SA GALLERY NA ITO: