
Puno na ng excitement ang mga puso ng celebrity couple na sina Aicelle Santos at Mark Zambrano sa paparating nilang ikalawang baby.
Sa Instagram, ibinahagi ni Mark ang isang kopya ng pregnancy ultrasound, kung saan ipinasilip ang baby nila ni Aicelle.
Ayon sa caption ni Mark, “Hello, anak! Thanks for opening your eyes and winking at us! I can't wait to hold you in my arms!”
Kaugnay nito, ibinahagi rin ito ni Aicelle sa Instagram stories.
Ikinasal ang Kapuso singer na si Aicelle sa dating GMA reporter na si Mark noong November 2019.
Pagsapit ng Marso 2020, nalaman ng mag-asawa na sila ay magiging first-time parents na.
Isinilang ni Aicelle ang una nilang anak ni Mark na si Zandrine Anne noong December 2020.
Samantala, nito lamang June 2023, masayang ini-reveal ng couple sa Instagram na magiging “ate” na si Zandrine dahil magkakaroon na sila ng isa pang anak.