
Naglabas ng bagong vlog ang celebrity BFFs na sina Buboy Villar at Jelai Andres.
Kasunod ng kanilang Cebu vlog, picnic moments naman ang kanilang ibinahagi sa kanilang subscribers.
Kamakailan lang, magkasamang nag-picnic sina Buboy at Jelai, at kasama rin ang kani-kanilang mga pamilya.
Kasama ni Buboy ang kanyang mga anak na sina Vlanz at George, habang si Jelai ay kasama ang kanyang mga kapatid at mga pamangkin.
Mapapanood ang kulitan moments nina Buboy at Jelai na labis na nagpasaya sa kanilang subscribers at fans.
Ayon sa ilang fans ng dalawa, napapagaan daw nina Buboy at Jelai ang kanilang pakiramdam sa pamamagitan ng kanilang vlogs.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 121,700 ang views ng bagong vlog ng celebrity BFFs.
Panoorin ang picnic vlog nina Jelai at Buboy sa video na ito:
Matatandaang nagsimula ang pagkakaibigan nina Buboy at Jelai nang magkasama sila sa romantic comedy series ng GMA na Owe My Love noong 2021.