GMA Logo Jelai Andres and Buboy Villar
Courtesy: Jelai Andres (Youtube)
Celebrity Life

Buboy Villar, nakatanggap ng mamahaling regalo mula kay Jelai Andres

By EJ Chua
Published April 7, 2022 4:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Jelai Andres and Buboy Villar


Ano kaya ang iniregalo ni Jelai Andres sa kanyang bff na si Buboy Villar? Panoorin DITO:

Kinumpleto ng celebrity vlogger na si Jelai Andres ang halos monthlong birthday celebration ni Buboy Villar nang iabot niya ang isang espesyal na regalo para sa comedian-actor.

Sa inihandang surprise birthday celebration ni Jelai para kay Buboy, mapapanood sa vlog ng aktres ang ilang eksena habang inaayos niya ang regalong pinag-ipunan niya para sa kanyang kaibigan.

Ngunit bago iabot ang regalo, maraming beses na na-prank si Buboy dahil sa mga kunwaring bagay na iniabot ni Jelai sa kanya.

Unang inilabas ni Jelai ang isang bag na pagmamay-ari pala talaga ni Buboy at araw-araw pa raw itong ginagamit ng aktor sa kanyang negosyo.

Sunod naman ay binigyan niya ng box ng isang luxury brand si Buboy na ang laman pala ay ang pinakalumang underwear ni Buboy na ginamit pa raw ng aktor ng mapabilang siya sa cast ng isang local movie.

Nang ibinigay na ng aktres ang tunay niyang regalo, tila speechless ang aktor dahil sa labis na pagkagulat nito sa kanyang nakita.

Isang brand-new Iphone 13 Pro Max kasi ang iniregalo sa Jelai kay Buboy.

Noong una ay hindi makapaniwala si Buboy dahil hindi niya inaasahang bibigyan siya ng kanyang kaibigan nang mamahaling cellphone.

Labis naman ang pasasalamat ni Buboy sa regalong natanggap niya mula kay Jelai, "Ang pinakamalaking natanggap ko na, sabi ko, kasi mahilig naman ako sa sapatos. Pero hindi ko inexpect yung cellphone mo… Ako yung tao na hindi ko na kailangan ng pinakamahal na bagay sa mundo na ito…Ang pinakamahalaga sa akin, pagkakaibigan. Pero ikaw, kaibigan na kita 'tapos binigyan mo pa ako ng ganun.”

Panoorin ang birthday celebration ni Buboy rito:

Matatandaang nagsimula ang pagkakaibigan nina Jelai at Buboy nang maging magkatrabaho sila sa television drama romantic comedy series na Owe My Love na ipinalabas sa GMA noong 2021.

Kasunod nito, madalas na rin silang nagkakasama sa ilang vlogs na ina-upload nila sa kanilang mga YouTube channel.

Samantala, tingnan ang surprise party na inihanda ng pamilya at mga kaibigan ni Jelai Andres para kanyang 31st birthday sa gallery na ito: