Celebrity Life

Sixto Dantes to his mom Marian Rivera: 'Can you bring me to heaven?'

By Jimboy Napoles

Sa kabila ng kanilang busy schedule sa kanilang mga trabaho, hindi pa rin naubusan ng oras sina Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa kanilang dalawang anak na sina Zia at Sixto.

Sa isang video na in-upload ni Dingdong sa kanyang TikTok account, mapapanood ang kanilang bonding moments ng kanyang mag-iina sa isang park.

Bukod sa habulan, dito ay makikita ring naglalaro sina Zia at Sixto sakay ng swing habang tinutulak sila nina Dingdong at Marian.

Pero kulang pa ata ang tulak ni Marian sa swing ni Sixto. Kaya naman sabi nito, “Can you bring me to heaven?”

Napa-“Huy” na lang naman si Marian sa sinabi ng anak habang natawa naman ang kanyang Ate Zia.

Spotted din sa nasabing video ang sweet kiss nina Dingdong at Marian habang nakikipag-bonding sa kanilang mga anak.

@dingdongdantes sound on 😂 #MamaYan & #DaddyDong duties ❤️ #DongYan #MarianRivera #DongDantes ♬ original sound - Dong Dantes


RELATED GALLERY: #TeamDantes: The growing, beautiful family of Dingdong Dantes and Marian Rivera