
Masayang sinalubong at ipinagdiwang ng celebrity couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang Kapaskuhan kasama ang kanilang mga pamilya.
Sa Instagram, ibinahagi nina Julie at Rayver ang kanilang Christmas photos kung saan makikita na parehong binisita ng dalawa ang pamilya ng isa't-isa.
Sa post ni Julie, spotted sa kanilang photo ang kaniyang boyfriend na si Rayver. Gayundin sa post ni Rayver kung saan makikita rin si Julie kasama ang kaniyang pamilya kabilang ang Kapuso actor na si Rodjun Cruz, asawa nitong si Dianne Medina, at kanilang anak na si Joaquin.
“Christmas Fambam 2023,” caption ni Julie.
“Merry Christmas!” pagabti naman ng kaibigan nina Julie at Rayver na si Barbie Forteza.
RELATED GALLERY: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz's kilig moments as told in photos
Samantala, sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan, tinanong ng batikang TV host si Rayver tungkol sa pagpapakasal.
“Do you see yourself getting married in the next 12 months, 2 years? In 2024?,” tanong ni Boy Abunda sa aktor.
“Hindi ko tinatanggal 'yung posibilidad, Tito Boy, kasi sobrang at peace ako. Mahal ko 'yung family ni Julie, mahal ko si Julie and alam niya na gagawin ko lahat for her. And magsisipag ako ng husto para sa future namin hanggang sa makakaya ko. So, hindi ko tinatanggal 'yung posibilidad,” sagot ni Rayver.
“Pero hindi ko rin po sinasabi na magra-rush kami into things kasi marami pa pong kailangang i-consider, Tito Boy. And 'yung respeto ko sa parents niya, sa family niya and for her, sobra-sobra. And ngayon kasi medyo ano rin naman e, like, two Christmases pa lang 'yung napapagsamahan namin,” paliwanag pa niya.
Sa pagpasok ng 2024, mapapanood naman si Rayver sa bagong serye ng GMA na Asawa Ng Asawa Ko kasama sina Jasmine Curtis-Smith, Liezel Lopez, at Martin Del Rosario.