Celebrity Life

Annabelle Rama says her grandsons enjoy time with their dad Richard Gutierrez

By Maine Aquino

Ibinahagi ni Annabelle Rama ang bonding moment ng kaniyang anak na si Richard Gutierrez kasama ang mga apo na sina Zion at Kai.

Si Zion at Kai ay anak nina Richard at Sarah Lahbati.

PHOTO SOURCE: @annabelleramaig

Sa video na ipinost ni Annabelle sa kanyang Instagram account makikita si Richard na nasa swimming pool kasama sina Zion at Kai. Saad ng ina ni Richard “Nakita nyu naman enjoy na enjoy mga bata with Richard.”

RELATED GALLERY: Brotherly love: Cutest photos of Zion and Kai Gutierrez

Dugtong pa ni Annabelle sa kanyang caption, “Tuwang tuwa si Zion at Kai, happing happi, kitang kita nyu na yan, hindi ko na kailangan sabihin."

A post shared by Annabelle Rama (@annabelleramaig)

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring pinaguusapan ang estado ng relasyon nina Richard at Sarah. Bagamat hindi na sila nakikita na magkasama, wala pa ring kumpirmasyon mula sa dalawa tungkol sa kumakalat na isyu ng hiwalayan.

Ngayong January ay napag-alamang hindi na naka-follow sa Instagram ng isa't isa sina Richard at Sarah.

Ang engagement nina Richard at Sarah ay ginanap noong 2017. Nagkaroon naman sila ng intimate civil wedding noong March 14, 2020.

Balikan ang intimate wedding nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati: