GMA Logo andrea del rosario
source: andreadelrosario_official/IG
Celebrity Life

Andrea del Rosario's prayer on daughter's recent health scare: Give her more time with me'

By Kristian Eric Javier
Published May 14, 2024 2:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bakit nagkaroon ng Tejeros Convention? | Howie Severino Presents
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

andrea del rosario


Andrea del Rosario recalls her daughter's recent health scare: "We caught it at the nick of time..."

Isa sa pinakamahirap bilang isang magulang ay ang makita ang anak na nahihirapan. Kaya naman, nang dalhin ni Andrea del Rosario ang kaniyang anak na si Bea sa ospital dahil sa isang health scare, isa lang ang naging panalangin niya, “Give her more time with me.”

Nangyari ito noong January 2024, ayon kay Andrea, at ngayon ay nagpapagaling na ang kanyang anak matapos ang isang successful surgery.

Sa Updated with Nelson Canlas podcast, sinabi ni Andrea na ang kondisyon ng kaniyang anak ay pelvic inflammatory disease.

Aniya, “May mga nakita sa loob niya that needed to be removed, so stuff like that.”

Kuwento ni Andrea, nagbabakasyon sila noon sa Argentina nang magpakita ng sintomas si Bea. Ani ng aktres, nagsimulang magsuka ang kaniyang anak, at kalaunan ay hinimatay kaya dinala na nila sa ospital doon.

“So, I took her to the hospital because I thought it was connected dun sa gut niya. Yun pala, they were looking at her gut, and then may nakita pang ibang parang namamaga na part. Parang incidental finding. And then, when we got back here, that's when we had the surgery,” aniya.

Nilinaw rin niya na hindi naman congenital ang kondisyon ng kaniyang anak. Ngunit inaalam pa ng mga doktor kung papaano ito nakuha ni Bea. Noong 2011, sinabi ni Andrea na baby pa lang ay na-diagnose na si Bea ng jejunal atresia at sinabing inaalam ng mga doktor kung konektado ba ang dalawang diseases.

Ayon sa National Organization for Rare Disorders, ang jejunal atresia ay "a rare type of obstruction of the small bowel affecting newborns. Patients with this disorder are born with a complete mechanical obstruction of the proximal small intestine."

Kaya naman nang muling magkaroon ng health scare ang kanyang anak, napatanong daw si Andrea, “Why did she have to go through something like this again? Is it connected? Ganun. So, iyon yung mga kailangan namin masagot. And then... So, yun and we caught it at the nick of time kasi kung medyo tumagal-tagal, she would have experienced sepsis,” sabi ni Andrea.

BALIKAN ANG MGA CELEBRITIES NA MAY RARE MEDICAL CONDITIONS SA GALLERY NA ITO:

Sa ngayon, aminado si Andrea na mapalad siya dahil kasama pa rin niya ang kaniyang anak. Sabi pa niya, “A lot of moms were not fortunate.”

Nang tanungin siya kung paano niya hina-handle ang mga nangyayari sa kaniyang anak, ang sagot ni Andrea, “Ang kailangan mo lang talaga pang hawakan is your faith. So that's all I've been doing. That's nothing more.

“You can't hold on to anything else but your faith. So that's what I have been focusing on and working on. We are all at the mercy of our creator, right? I mean, we just have to count our blessings and just be grateful and just focus on your faith."

Sinabi rin ng aktres na sine-celebrate rin nila ang buhay ng kaniyang anak araw-araw. Mayroon din siyang munting kahilingan, “Lord, may gusto kang tanggalin. But I hope that you'd still give her more time with me and that she'd be healthier after this.”

Sa ngayon, nasa mabuting kalagayan na ang kaniyang anak, na bumalik kaagad sa paglalaro ng volleyball pagkatapos ng surgery.

Gayunman, paalala ng aktres, “Pero ingat-ingat lang. Diba? I keep on reminding her, 'Hey, you know, 'di ka superwoman.'”

Aminado naman si Andrea na marami pa silang kailangan sagutin tungkol sa kondisyon ng anak niya pero sa ngayon, ang masasabi niya, “So far, we're good.”

Pakinggang ang buong interview ni Andrea dito: