
“Your beautiful soul will never be forgotten.”
Iyan ang naging pangako ng aktres na si Ruffa Gutierrez sa namayapa niyang sister-in-law na si Alexa Gutierrez, asawa ng kaniyang kapatid na si Elvis Gutierrez.
July nang ianunsiyo ni Ruffa at ng kaniyang pamilya ang pagpanaw ni Alexa noong July 27 matapos ang kaniyang laban sa sakit na leukemia. Ayon sa aktres, hindi pa rin niya lubos maisip at matanggap ang pagkawala ng kaniyang sister-in-law.
“It's so hard… Words cannot express how heartbroken and shocked I am. I love you so much my beautiful, irreplaceable Alexa,” sabi ni Ruffa noon sa kaniyang post.
Sa Instagram, isang buwan simula nang mawala ang kaniyang hipag, ay nag-post muli si Ruffa ng ilang litrato kasama si Alexa, kalakip ang isang liham para sa kaniya. Sa simula ay tinanong ng aktres kung kamusta ito “up there.”
“It's been a month since you've left us. It's still difficult to process and accept. Sometimes I get teary-eyed or suddenly find myself weeping in grief knowing that you're never coming back. We won't be able to hug, laugh, make chika or plan upcoming family trips anymore,” sulat ni Ruffa.
Patuloy pa niya, “What gives me comfort and strength during these trying times is knowing that you are in His divine presence and are watching over all of us."
BALIKAN NAG NAGING BUHAY NI ALEXA SA GALLERY NA ITO:
Ani Ruffa, habang pinagpapatuloy nila ang kanilang buhay nang wala si Alexa ay nagbibigay-pugay pa rin sila sa mga alala nito at sa sayang naidulot niya sa kanilang buhay.
Sa huli ay nag-iwan ng mensahe si Ruffa kay Alexa, “We love you and miss you dearly, Lex.”
Sa post script ng kaniyang liham ay pinasalamatan din ng aktres ang mga patuloy na nagbibigay ng suporta sa kanilang pamilya.
Una nang humingi ng mga panalangin si Ruffa para kay Alexa noong January 2024 para sa kaniyang complete healing. Dito, tinagurian niyang “Leukemia Warrior” ang kaniyang hipag sa pakikipaglaban nito sa naturang sakit.