advertisement
Celebrity Life

LOOK: Celebrity half-siblings na tanggap ang isa't isa

1 of 14

Ruffa and Tonton Gutierrez

Mayroon pang mga anak si Eddie Gutierrez sa dalawang magkaibang babae kaya't naging magkapatid sina Ruffa at Tonton Gutierrez. Si Annabelle Rama ang ina ni Ruffa samantalang anak naman si Tonton ni Liza Lorena na isang beauty queen. Malimit pa ring magkita ang magkapatid lalo na kapag mayroong family gathering ang mga Gutierrez.

2 of 14

Mickey Ferriols and Jackie Forster

Noong nakaraang taon, naging maingay si Jackie Forster sa kanyang social media account tungkol sa kustodiya ng kanyang mga anak na sina Kobe at Andre Paras. Nakaramdam ng lungkot ang kanyang half-sister sa ama na si Mickey Ferriols nang malaman ang balitang ito.

3 of 14

Sherwin Ordonez and CJ Ramos

Nahuli sa buy bust operation ang dating child star na si CJ Ramos last July 2018. Sa kabila ng drug charges na kinakaharap ni CJ, suportado pa rin siya ng kanyang half-brother, ang dating dancer-turned-actor na si Sherwin Ordoñez.

advertisement
4 of 14

Ara Mina and Cristine Reyes

Magkapatid sina Ara Mina at Cristine Reyes sa inang si Venus Imperial, dating artista. Taong 2000 nang nalaman ni Ara na si Chuck Mathay ang kanyang biological father at hindi ang ama ni Cristine na si Romeo Reyes. Matatandaang nasangkot sa isang demandahan ang magkapatid noong 2012 dahil sa umano'y paninirang puri ni Cristine kay Ara. Humingi ng tawad si Cristine sa kanyang Ate at nagkaayos sila pagkalipas ng isang taon.

5 of 14

Gabby and Andi Eigenmann

Taong 2014 nang bawian ng buhay ang ama nina Gabby Eigenmann at Andi Eigenmann na si Mark Gil. Si Gabby ay anak ni former actress Irene Celebre samantalang si Andi naman ay anak ni Jaclyn Jose.

6 of 14

RJ and Daniel Padilla

Noong 2015 lang nagkakilala ang magkapatid sa ama na sina RJ at Daniel Padilla. Pareho silang supling ng dating aktor na si Rommel Padilla.

advertisement
7 of 14

Mark Anthony and Renz Fernandez

Dumaan sa matinding pagsubok sa buhay si Mark Anthony Fernandez nang maghiwalay sila ng asawang si Melissa Garcia noong 2014. Dahil close ang parehong anak ng late action star na si Rudy Fernandez, alalang-alala noon si Renz sa kanyang half-brother dahil sa kanyang pinagdaraanan. Ang ina ni Mark Anthony ay si Alma Moreno samantalang si Renz naman ay anak ni Lorna Tolentino.

8 of 14

Zia Quizon and Karylle Tatlonghari

Anim na taong gulang si Karylle nang maghiwalay ang kanyang ama na si Dr. Modesto Tatlonghari at ang inang si Zsa Zsa Padilla. Habang ang kanyang ama ay walang napabalitang karelasyon, ang kanyang ina naman ay naging long-time partner ng pumanaw na Philippine King of Comedy na si Dolphy. Si Zia Quizon ang naging bunga ng pagsasamang iyon. Tulad ni Karylle, magaling ding kumanta si Zia. Sa katunayan nga ay nagdaos pa sila ng isang back-to-back concert sa Australia noong 2013.

10 of 14

Vandolph, Wyn, and Jeremy Marquez

Ayon kay Wyn Marquez, masaya raw siya sa piling ng kanyang half-brothers. Kapatid ni Wyn si Vandolph Quizon sa inang si Alma Moreno samantalang half-brother naman niya si Jeremy Marquez sa amang si Joey Marquez.

advertisement
12 of 14

Josh Aquino and Bimby Yap

Parehong nasa kustodiya ni Kris Aquino ang dalawang anak na sina Josh Aquino at Bimby Yap. Ang aktor na si Phillip Salvador ang ama ni Josh samantalang ang basketball player naman na si James Yap ang tatay ni Bimby. Makikita sa Instagram ni Kris na malapit sa isa't isa ang magkapatid at pareho silang sweet sa kanya.

13 of 14

Jackie Lou Blanco and Monching Gutierrez

Ikinasal si Pilita Corales kay Gonzalo Blanco, ang ama ni Jackie Lou Blanco. Matapos siyang bawian ng buhay ay nagkaroon naman ng anak si Pilita kay Eddie Gutierrez na si Ramon Christopher o mas kilala bilang Monching. Maayos ang relasyon ni Jackie Lou sa kapatid. Sa katunayan nga ay isa siya sa mga natuwa nang pumasok sa showbiz ang pamangkin na si Janine Gutierrez, ang anak ni Monching.

14 of 14

Garie and KC Concepcion, and Cloie Syquia Skarne

Magkakapatid sa ama ang tatlong naggagandahang sina Garie, KC, at Cloie. Silang tatlo ay anak ng aktor na si Gabby Concepcion. Si Garie ay anak ni Gabby sa dating nobyang si Grace Ibuna. Samantala, parehong mula sa showbiz ang ina nina KC at Cloie. Si Sharon Cuneta ang ina ni KC, habang si Jenny Syquia naman ang ina ni Cloie. Magkakalayo man silang lumaki at namumuhay ngayon, close na close ang tatlong magkakapatid. Madalas silang magkita at mag-bonding bago pa man muling makita ni Cloie ang kanilang ama.

advertisement
15 of 14

Kobe, Andre, Jared, Caleigh, and Yohan

Natupad na ang pangarap ni Jackie Forster na magkaayos sila ng kanyang anak kay Benjie Paras na sina Kobe at Andre Paras. Narito ang larawan ng kanyang mga anak kay Michel Franken na sina Jared, Claeigh at Yohan kasama ang kanilang Kuya Kobe